Paano makaiwas sa Kulugo o warts?

Dahil ang sanhi ng pagkakaroon ng kulugo ay impekson ng virus, ang susi para maiwasan ito ay ang pagpapanatiling malinis sa katawan. Narito ang ilang hakbang na dapat tandaan upang makaiwas sa nakakainis na kulugo:

  • Ugaliin maghugas ng kamay lalo na kung galing sa labas o sa pakikisalamuha sa mga tao.
  • Iwasan ang paggamit ng mga bagay na nagamit na ng ibang tao gaya ng tuwalya.
  • Magsuot ng tsinelas lalo na kung nasa pampublikong lugar gaya ng palikuran o liguan.
  • Panatilihing malinis ang bahay at gumamit ng mga disinfectant sa pagpupunas
  • Hanggat maaari, iwasang masugatan o mahiwa ang balat

Kung nakakaranas naman ng madalas na pagkakaroon ng kulugo, siguraduhin munang matanggal ang lahat ng kulugong nasa balat. Tandaan na ang bawat kulugo ay may kakayahang dumami, kung kaya’t makakatulong na makaiwas sa pabalik-balik na kulugo kung makakasigurong mauubos ang lahat ng kulugo sa balat.

Ano ang gamot sa Kulugo o warts?

Ang kulugo ay kadalasang nawawala ng kusa matapos ang isa o dalawang taon ng pagkakaroon nito. Ngunit maaari din naman itong tanggalin sa pamamagitan ng ilang gamot na mabibili sa mga butika. Ang pangunahing sangkap ng mga gamot na mabibili ay Salicyilic-acid na nakakatulong na alisin ang nakakainis na kulugo. Ang paggamit ng salicylic acid ay maari lamang magdulot ng iritasyon o pamumula sa balat, ngunit sa pangkalahatan, ito ay ligtas gamitin. Mayroon din naman ilang procedure ang isinasagawa para tanggalin ang kuugo. Ginagamitan ng kuryente, laser o kaya ay spray na nagpapa-yelo sa kulugo.

Ligtas bang tanggalin ang kulugo sa balat?

Sa pangkalahatang, ang pagtatanggal sa kulugo ay ligtas na paraan. Dapat lamang tiyakin na matatanggal ang lahat ng bahagi ng kulugo pati na ang mga kulugo na tumubo sa paligid upang hindi na ito magpanumbalik pa. Dapat ding tandaan na ang isang kulugo ay may kakayanang dumami kung mapapabayaan. Nararapat lang na bigyang pansin agad ang pagtubo ng isang kulugo lamang upang mapigilan na agad ito sa pagdami.

 

Paano malaman kung may kulugo?

Sapagkat ang kulugo ay madaling makilala dahil sa anyo nito, kadalasan ay hindi na nangangailangan pa ng atensyon mula sa dokto o anupamang pagsusuri sa laboratory. Maaari rin naman itong tignan at suriin gamit ang skin culture o biopsy upang makasiguro lamang sa uri ng HPV na nagdulot ng kulugo.

Ano ang mga sintomas ng kulugo o warts?

Ang pagkakaroon ng kulugo ay kadalasang walang pinaparamdam na sintomas sapagkat tangang ang panlabas na patong ng balat lamang ang maaari nitong maapektohan. Ang tanging naidudulot lamang ng kulugo sa tao ay ang di-kumportableng pakiramdam. Ang mga kulugo na tumutubo sa balat ay hindi nakaka-kanser, di-gaya ng mga kulugo na tumutubo sa ari na isang uri ng STD at maaaring humantong sa kanser.

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Kung ang kulugo ay tumubo sa bahaging nakatawan nakakapagdulot ng sobrang hindi kumprtable sa pakiramdam, o nakakasagabal na sa pag-araw-araw na gawain. Maaaring magpa-konsulta na sa isang dermatologis o doktor na spesyalista sa balat. Ang kulugo ay maaaring tanggalin.

Mga kaalaman tungkol sa Kulugo

Ang kulugo, o warts sa Ingles at verruca naman sa terminolohiyang medikal, ay ang maliliit na bukol ma tumutubo sa balat na dulot ng impeksyon ng halos 100 uri ng Human Papillomavirus (HPV).  Ito ay nagdudulot ng di kaaya-ayang pakiramdam na tumatagal ng maraming taon, ngunit kadalasan ay kusa rin namang nawawala. Ang pagkakaroon ng kulugo ay nakakahawa. Tandaan na ang kulugo sa balat ay hindi dapat ikalito sa kulugo sa ari (genital warts) na isang uri ng sexually transmitted disease o STD at sanhi ng ibang klase ng HPV. Ang kulugo sa ari ay maaaring makapagdulot ng kanser.

Ano ang sanhi ng kulugo o warts?

Ang kulugo ay dulot ng impeksyon ng iba’t ibang uri ng HPV. Nakukuha ang virus na ito kung madikit ang balat sa bahagi ng katawan na may kulugo, halimbawa ay ang pakikipag-kamay sa taong may kulugo. Maaari din itong makuha sa mga bagay na kontaminado ng virus gaya nga keyboard, hawakan ng pintuan o kaya sa tuwalya na ginamit ng taong may kulugo. Ang virus ay maaari lamang magdulot ng impeksyon kung makakapasok ito sa hiwa o sugat sa balat. Hindi totoong maaaring magkaroon ng kulugo sa pagkakahawak sa balat ng palaka o kaya’y pag naihian nito.

Anu-ano ang iba’t ibang uri ng kulugo?

May iba’t ibang uri ng kulugo depende sa hitsura at sa lugar ng pinagtubuan. Verruca vulgaris o common hand wart ang tawag sa kulugo na tumutubo sa kamay.  Verruca plantaris o foot wart naman ang tawag sa kulugo na tumutubo sa paa, at ito ay maaaring masakit. Verruca plana o flat wart ay maliliit, patag at maramihan kung tumubo na madalas makita sa leeg, mukha o tuhod.

 

 

Kulugo, Layuan mo ako

Ano ang kulugo?

  • Kulugo ay ang tawag sa mga maliit at magaspang na bukol sa katawan.
  • Sa Ingles, “Warts” ang tawag; sa medisina naman ito ay kilala bilang “Verruca”
  • Karaniwa’y magaspang at minsan may makikitang tuldok-tuldok na maitim
  • Ang mga kulugo ay dulot ng HPV, isang uri ng virus.
  • Anumang bahagi ng katawan ay maaring sibulan ng kulugo

 

May apat na uri ng kulugo:

  1.  Verruca vulgaris o common hand warts: natatagpuan sa kamay
  2. Verruca plantaris o foot warts: natatagpuan sa paa, maaring masakit
  3. Verruca plana o flat wart – maliit, patag, marami, natatagpuan sa mukha, leeg, kamay o tuhod
  4. Verruca acuminata o genital wart – ito’y isang uri ng STD, nakukuha sa sexual contact at natatagpuan sa ari ng lalake o babae

Paano nagkakaroon ng kulugo?

  • Dahil ay sanhi ay virus, maaring mahawa ng kulogo sa pamamagitan ng pagkahawak o pagkadikit ng iyong balat sa bahagi ng katawan ng ibang tao na may kulugo.
  • Sexual contact ay maari ring magdulot nito, lalo na sa genital wart.
  • May mga taong mas madaling makakuha ng kulugo.

Ano ang mga sintomas ng kulugo?

  • Ang mga sintomas ay nakadepende sa lokasyon ng kulugo
  • Minsan lamang ito magdulot ng sakit
  • Kalimitan ito’y nagdadala ng di-kumportableng pakiramdam

Paano ma-diagnose ang kulugo?

Sapagkat ang kulogo ay anyong may madaling makilala ng mga doctor, insepksyon lamang ang kailangan para ito ay madiagnose. Minsan lamang maaring kailanganin ang mga laboratory tests gaya ng skin culture at biopsy para masigurado ang diagnosis.

Ano ang lunas o gamot sa kulugo?

  • Gamot gaya ng salicylic acid para matunaw ang kulogo
  • Cryosurgery, isang procedure na parang nilalagay sa ref ang kulogo para ma-“freeze” ito
  • Laser treatment– ang paggamit ng ‘laser’ o matinding liwanag para tanggalin ang kulogo
  • Electrocautery – ang pagsunog sa kulogo gamit ang kuryente para ito ay matanggal
  • … at iba pang mga technique.

Kung may kulogo ka o ang kakilala mo, kumunsulta sa doctor kung alin sa mga lunas na ito ay pinaka-narararapat. 

Mga Maling Paniniwala Ukol sa Kulugo

  1. Maaring makuha ang kulugo kapag maiihian o makahawak ng palaka
  2. Maaring mahawa kapag gumamit ng tuwalya ang taong may kulogo
  3. Maaring mahawa ng kulogo kapag hinawakan ang kamay ng ibang tao
  4. Ang kulugo ay nagdudulot ng kanser

*tanging ang genital warts lamang ang napatunayang may kinalaman sa pagkakaroon ng kanser