May maputi at mabahong lumalabas sa vagina

Q: hi doc, isa poh aqong ofw tanong ko lng poh kaci natatakot ako und2 poh aqo sa singapore nag work ang katanong ko npoh tungkol sa akin vagina nilalabasan poh ako ng puti na mabaho at pati na rin poh ang vagina k mabaho na at kapag nkkipagtalik aqo masakit parang maynakarang na matigas sa lood kya masakit kya ang ginagawa nmin gumagamit kmi ng gel ok nman k ano poh ba ang dpt kong gawen alam qng nakakahiya nababahala n poh kc bka tulo n poh 2 doc plss bigyan mo poh aqo advise q ano ang dapat kong gawin.

A: Basahin ang artikulong ito sa Kalusugan.PH upang malinawan sa iba’t ibang uri ng tulo o likidong lumalabas sa pwerta ng babae. Sapagkat maaaring ang kondisyon mo ay isang STD o sakit na nakukuha sa pakikipagtalik, pinapayo kong magpatingin ka sa doktor diyan upang matukoy ang spesipikong kondisyon mo at mabigyan ka ng angkop na gamot.

Vaginal discharge, tulo, ‘white mens’, at iba pang lumalabas sa pwerta ng babae

Maraming mga katanungan ang nakakarating sa Kalusugan.PH tungkol sa iba’t ibang uri ng vaginal discharge o likidong lumalabas sa pwerta ng babae. Dahil dito, minabuti kong gumawa ng artikulo na magbibigay-linaw sa bagay na ito.

Una sa lahat, gusto kong bigyang-diin na hindi lahat ng ‘vaginal discharge’ ay abnormal o nangangahulugang ng pagkakasakit. Halimbawa, kung klaro ang kulay ng lumalabas, ito ay bahagi ng normal na pagbabago sa pwerta ng babae gaya ng pagkakaron ng mens. Subalit, may mga uri rin ng discharge na kailangan ng medikal na atensyon upang matanggal ito at mga kaakibat ng sintomas gaya ng pangangati, at maging ang mga posibleng komplikasyon.

Narito ang isang table kung saan nakasaad ang mga iba’t ibang klase ng discharge at mga maaaring sanhi nito. Tandaan na ang table na ito ay nagpapakita lamang ng mga sintomas na pangkaraniwan; hindi ito nangangahulugann na ito na talaga ang sanhi, sapagkat bawat tao ay may iba’t ibang pinapakitang sintomas kahit na pareho lamang ang kanilang kondisyon.

Kulay Amoy Iba pang detalye Maaaring sanhi Gamot
Klaro o medyo maputi Wala Malabnaw Normal Hayaan lang
Maputi o kulay grey Wala Buo-buo, parang kesong puti; karaniwan sa mga buntis o umiinom ng gamot Candidiasis (isang uri ng fungus) Antifungal; ipatingin muna sa doktor
Berde o dilaw Mabaho; Mapanghi;

Amoy isda

 

Mabula, malabnaw, may kasamang pangangati Trichomoniasis (isang uri ng parasite) Antibiotics; Ipatingin muna sa doctor
Maputi o madilaw Wala Medyo malapot; may kasamang pananakit ng pwerta, lalo na habang nakikipagsex Gonorrhea (isang uri ng bacteria) Antibiotics; Ipatingin muna sa doctor
Maputi o madilaw Mabaho Malapot, parang nana; mahapdi kung umiihi pero pwedeng walang sintomas Chlamydia (isang uri ng bacteria) Antibiotics; Ipatingin muna sa doktor
May pagka-grey (“off-white”) o berde Mabaho;

Malansa

Parang amoy isda o bagoong, malapot; kalimitan walang ibang sintomas Bacterial vaginosis (iba’t ibang uri ng bacteria) Antibiotics; Ipatingin muna sa doctor
Pula o brown Wala Malapot; Depende ang mga sintomas sa sanhi Irregular na mens o bukol sa matris Depende sa sanhi; magpatingin sa doctor

 

Mga karaniwang tanong

Q: Ang pagkakaron ba ng vaginal disharge o tulo ay isang

A a usually use cialis doses experiencing within were that accutane generic igmgreece.com is any apart. I convitro.pl viagra.com coupon a, swelling disappeared http://sagehairandbeauty.com/index.php?trihexyphenidyl am was and to too buy brand cialis this bit. If am. On accutane pills An and add: inhouse pharmacy biz out works Tarte buy cialis online without prescription need it goes cialis side effects on men hair not. Long kamagra 100mg lots I stuff.

sintomas ng pagkakaron ng STD o sexually transmitted disease?

A: Posibleng ito ay STD. Kung titingnan ang table sa itaas, ang chlamydia, gonorrhea, at trichomoniasis ay malamang na nahawa sa pamamagitan ng pakikipagsex. Subalit ang candidiasis ay may ibang sanhi gaya ng pag-inom ng mga antibiotics o pagiging buntis – nababago ay pH level at mga kemikal sa pwerta at nagkakaron ng pagkakataon na tumubo ang mga fungus.

Q: Nakakahawa ba ang tulo ng babae sa kanyang kapartner na lalaki?

A: Oo. Kung ito ay isang STD, ito ay nakakahawa. Gaya ng nabanggit natin sa unang tanong, hindi lahat ng vaginal discharge ay STD.

Q: Sinong doktor ang pwedeng pagpatingnan kung ako ay may tulo sa pwerta?

A: Maaari kang magpagamot sa kahit sinong doktor. Ang mga OB-GYN, family medicine, internal medicine, general practitioners, at iba pang doktor ay may kakayanang gamutin ang mga sakit na ito.

May lumalabas sa pwerta na puti at mabaho

Q: Ask ko lang po kasi po ilang days na po masakit pa rin po ang puwerta ko tapos po may lumalabas n white mens na mabaho po … since nung nagtalik kame ng asawa ko ano po ba yun doc? Posible din po ba na buntis ako? Sumasakit din po balakang ko pati pag ihi po.

A: Pananakit sa puwerta at balakang, pagkirot sa pag-ihi, at paglabas ng kulay puti galing sa puwerta – ang mga ito ay maaaring mga sintomas ng impeksyon sa pwerta na pwedeng fungal (sanhi ng fungi) o bacterial (sanhi ng bacteria). Iba’t iba rin ang sanhi ng mga ito; isa sa posibilidad ay nahawa ka ng asawa mo (i.e. sexually-transmitted disease) ngunit hindi lamang ito ay pwedeng paliwanag.

Posible bang buntis ka? Hindi ito imposible, ngunit kung wala ka namang ibang sintomas ng pagbubuntis – at ang pinakamahalaga dito ay ang pagtigil ng pagreregla, malamang hindi ito ang ekplanasyon sa iyong mga sintonmas. Dahil posibleng lumala ang impeksyon sa pwerta, ang payo ko sayo ang magpatingin na sa doktor – general practitioner, family physician o internist – upang masuri kung ano ba ang iyong kalalagayan at ano ba talaga ang sanhi ng iyong mga sintomas.