Ano ang sintomas ng UTI o impeksyon sa ihi?

Iba’t iba ang presentasyon ng UTI; sa iba, walang anumang sintomas na nararamdaman, sa iba naman, meron. Heto ang mga karaniwang sintomas ng UTI:

  • Makirot na pag-ihi (Dysuria)
  • Balisawsaw
  • Madalas na pag-ihi (Urinary frequency)
  • Mabaho at hindi malinaw na ihi
  • Pananakit sa pantog
  • Panakakit sa tagiliran
  • Lagnat
    • Kung ito ay malalang kaso ng UTI, o ang impeksyon ay umabot sa bato (kidney), pwedeng magkaroon ng karagdagang sintomas:

      • Mataas na lagnat
      • Panginginig
      • kulay tsaa, itim o pulang ihi
      • Pagkaliyo at pagsusuka
        • Magpatingin sa doktor kung may mga sintomas na ganito.