Anong pagkain ang magpapababa ng uric acid?

Q: Hi Good Day po…itatanong ko lang po sana kung anong pagkain ang makakapagpababa ng uric acid..meron na po akong gout dulot ng sobrang uric acid..maraming salamat po..godbless

A: Kung ang pag-uusapan ay pagkain at pagpapababa ng uric acid, banggitin ko muna ang pangunahing solusyon, na ang PAG-IWAS sa mga pagkain na matataas sa uric acid, at ang mga ito ay nakalista sa Kalusugan.PH: Listahan ng mga pagkain na mataas sa uric acid.

Bukod dito, ang mga sumusunod na pagkain at gawain ay nakakapagpababa ng uric acid:

  • Gatas at iba pang ‘dairy products’ gaya ng yoghurt at keso
  • Mga prutas at gulay gaya ng saging, kamatis, at mga gulay na dahon
  • Pag-inom ng maraming tubig araw-araw
  • Pag-iwas sa pag-inom ng alak at beer
  • Dahan-dahang pagbabawas ng timbang sa pamamagitan ng malusog, tama, at balanseng pagkain

Panghuli, huwag basta-basta uminom ng mga ‘supplements’, dahil ang ilang sa mga ito ay wala namang bisa, at ang iba pa ay maaaring makasama sa atay o sa bato. Isangguni sa iyong doktor kung anong mga gamot ang nararapatan upang maibsan ang iyong rayuma at mataas na uric acid.