Bawal ba ang gatas sa mataas ang uric acid?

Q: bawal ba ang gatas sa mataas ang uric acid?

A: Hindi bawal ang gatas sa mga taong mataas ang uric acid. Kabaliktaran nga eh. May mag pag-aaral na nagsasabi na may benepisyo ang gatas sa mga taong may gout o mataas ang uric acid.

Tingnan ang listahan ng mga pagkain ng mataas sa uric acid upang matuto pa tungkol sa paksang ito.

Namamaga ang paa, mataas ba ang uric acid?

Q: Namamaga po ang paa ko, ano po ba ang gamot nito? Mataas po ba ang uric acid ko?

A: Maraming pwedeng magdulot ng pamamaga ng paa, kabilang na dito ang iba’t ibang uri ng rayuma, impeksyon, paglalakad ng malayo na may mahigpit na sapatos, at marami pang iba. Ang gamot dito ay nakadepende kung ano ang sanhi, na kailangang masuri ng doktor upang ma-tiyak.

Nabanggit mo ang uric acid. Ang mataas na uric acid sa katawan ay maaaring maging sanhi ng tinatawag na ‘gout’ o ‘gouty arthritis’, isa itong uri ng rayuma na karaniwang nakakaapekto sa paa. Ang sintomas nito ay pamamamaga sa mga kasu-kasuan sa paa. Kung ito ay kinakatakot mo, magpatingin sa doktor upang masuri ang iyong dugo kung mataas ba talaga ang antas ng uric acid sa iyong katawan. May mga gamot naman upang ma-control ang gout at ang pamamaga nito. May mga hakbang rin gaya ng pag-iwas sa ilang mga pagkain na pwedeng gawin para mapababa ang uric acid sa dugo.

Tingnan ang artikulo sa Kalusugan.PH tungkol sa uric acid para sa iba pang kaalaman.

Mataas na Uric Acid: Mga Kaalaman

Ano ang uric acid?

Ang uric acid ay isang produkto ng pagkawatak-watak ng mga protina sa katawan. Normal itong natatagpuan sa katawan, ngunit kung mataas ang antas nito sa dugo (hyperuricemia), ito ay maaaring maging sanhi ng gout, isang uri ng rayuma.

Anong pagsusuri o laboratory exam ang ginagamit upang malaman ang antas ng uric acid sa katawan?

Isang bahagi ng ‘blood chemistry’ ang pagsusuri ng uric acid sa dugo ng katawan. Karaniwan, kinukunan ang pasyente ng 2-5 mL ng dugo sa harap ng siko. Ilang oras lamang ay maaari nang makakuha ng resulta nito.

Ano ang normal na antas ng uric acid sa katawan?

Ayon sa mga eksperto, ang normal ng antas ng uric acid sa katawan ang mula 3.6 mg/dL (~214 µmol/L) hanggang 8.3 mg/dL (~494 µmol/L) (1 mg/dL=59.48 µmol/L) para sa mga kalalakihan at At 2.3 mg/dL (137 µmol/L) hanggang 6.6 mg/dL (393 µmol/L) para sa kababaihan.

Paano makakaiwas sa mataas na uric acid?

Ang mga sumusunod na mabisang paraan upang mapababa ang uric acid: