Ano ang gamot sa sakit ng tiyan?

Ano po ang tamang gamot sa sakit ng tiyan dahil sa sobra at kung ano ano kinakain?

Ang pananakit ng tiyan dahil sa “pagkasira ng tiyan” o dahil sa kung ano-anong kinain ay hindi ginagamot sa pamamagitan ng pag-inom ng anumang gamot. Sa halip, hinahayaan lamang na “ilabas” ng kusa ng katawan ay anumang nakasira sa tiyan. Ang prosesong ito ay pwedeng matulungan ng mga sumusunod:

  • Pag-inom ng maraming tubig
  • Pag-iwas sa kape, softdrinks, alak, at gatas
  • Mga okay na kainin: Saging, kanin, tinapay, sabaw
  • Mga okay na inumin: Tubig, tsaang gubat

Magpatingin sa doktor kung sa loob ng tatlong araw ay hindi pa bumubuti ng lagay ng tiyan, kung hindi na makakain, o kung magkaron ng iba pang sintomas gaya ng pagsusuka, lagnat, hilo.