Kahalagahan ng Pag-inom ng Tubig

Ang tubig ay napakahalaga sa buhay ng bawat nilalang, kung wala nito, imposibleng may mabuhay sa mundo. Sa katunayan, 8 hanggang 10 araw lamang tatagal ang isang tao na walang iniinom na tubig, matapos ang mga araw na iyon, tiyak na mamamatay. Kaya naman, laging pinapaalalasa atin ng mga matatanda at mga alagad ng kalusugan na kailangang uminom ng walong baso ng tubig sa bawat araw.

KONICA MINOLTA DIGITAL CAMERA

Ano ang kahalagahan ng pag-inom ng tubig?

Ang paalalang uminom ng 8 baso ng tubig araw-araw ay may basehan at may magandang maidudulot sa ating kalusugan. Kabilang dito ang sumusunod:

1. Pagmementena ng mga likido sa katawan. 

Maraming paggana sa katawan ang nangangailangan ng tubig, kabilang na ang pagtunaw ng mga kinain, pagsipsip ng mga sustansya, sirkulasyon ng dugo, at maging sa pagmementena ng temperatura ng katawan. Kung tutuosin, 60 porsyento ng katawan ay binubuo ng tubig.

Ang tubig na iniinom ay regular ding nailalabas sa pamamagitan ng pag-ihi, paghinga, at pagpapawis. Kung kaya, dapat ay mapalitan ang mga ito sa pamamagitan ng pag-inom ng sapat na damit ng tubig.

2. Pagkontrol ng calories sa katawan

Ang pag-inom ng tubig ay makatutulong din sa pagkontrol ng calories sa katawan. Matagal nang istratehiya ng mga nagnanais na pumayat ang madalas na pag-inom ng tubig upang makaiwas sa karagdagang calories na maaaring makuha sa mga pagkain mabilis silang nabubusog. Bukod pa rito, ang tubig mismo ay walang calories ‘di tulad ng ibang inumin gaya ng softdrinks at mga juice. Alamin ang iba’t ibang paraan ng pag-iwas sa pagtaas ng calories sa katawan: Paano mababawasan ang calories sa katawan?

3. Karagdagang lakas sa mga kalamnan

Malaki rin ang papel ng tubig sa pagmementena ng maayos na paggana ng mga kalamnan o muscles. Kinakailangan ang balanse ng tubig at electrolytes sa mga muscle cells upang mas tumagal ang mga ito sa pagtatrabaho. Kung Magkukulang sa tubig, ang mga muscle cells ay mas mabilis na mapapagod. Ang pag-inom ng tubig ay lalong mahalaga sapagkat tuloy-tuloy ang pagkawala ng tubig sa katawan kapag nagpapawis sa pagkilos.

4. Pagpapaganda ng kutis ng balat

Ang balat ang pangunahing depensa ng katawan sa lahat ng bagay na maaaring makasama sa ating kalusugan, kaya’t mahalaga rin na mapanatili ang kalusugan nito. Sa tulong ng pag-inom ng sapat na dami ng tubig, ang balat ay napapanatiling malusog. Maiiwasan ang pangungulubot ng balat at pati na ang panunuyo nito. Alamin ang iba pang paraan ng pagpapanatili ng kalusugan ng balat: 5 Tips sa pangangalaga ng balat.

5. Pagsasaayos ng paggana ng mga bato

Isa sa mahahalagang papel ng mga bato o kidney ay ang pagsasala nito sa mga likido sa katawan, at malaki ang ginagampanan ng tubig sa prosesong ito. Ang mga substansya na hindi na kailangan ng katawan (waste products) sumasama sa sirkulasyon ng dugo na sinasala naman ng mga bato. Ang mga nasalang substansya mailalabas naman sa katawan sa pamamagitan ng ihi. Basahin ang iba pang mga paraan ng pangangalaga sa kalusugan ng bato o kidney: Pag-iwas sa mga bato sa bato (kidney stones).

6. Pagpapabuti ng pagdumi

Siyempre pa, kailangan din ng tubig sa pagpapabuti ng paglabas ng dumi sa katawan. Kinakailangan ang tubig upang maiwasan ang pagtigas ng dumi na nagreresulta naman sa hirap sa pagdumi o pagtitibi (constipation). Alamin ang kahalagahan ng pagdumi sa buhay ng tao: Kahalagahan ng regular na pagdudumi.

Paano tiyakin na malinis at ligtas ang inuming tubig

Gumamit ng malinis na tela para salain ang tubig bago ito pakuluan

Lalo na ngayon at tag-ulan at marami tayong mga kabaayang apektado ng baha, ating balikan ang mga hakbang na dapat gawin upang maging malinis ang tubig. Bakit nga ba kailangang malinis ang tubig? Sapagkat sa mga oras na ganito na maraming baha, maaaring kontaminado ang tubig ng mga mirobyo na maaaring magdulot ng sakit, gaya ng typhoid, cholera, at iba pang mikrbobyo na pwedeng magdulot ng impeksyon sa tiyan na siya namang mauuwi sa pagtatae, pananakit ng tiyan, pagsusuka, lagnat, at iba pa. Narito ang mga hakbang upang masigurong ligtas ang tubig na inyong iinumin:

1. Hanggat maaari, iwasang gumamit ng tubig na maaaring nakontamina ng tubig-baha. Kung wala nang ibang mapagkunan ng tubig, mas piliin ang dumadaloy na tubig (flowing water) kaysa sa tubig na hindi dumadaloy (stagnant water).

2. Kung ang tubig ay madumi o hindi klaro, ito’y salain muna gamit ang isang malinis na tela o tuwalya. Maaaring ipantakip ang tela sa pagsasalinan ng tubig upang masala ito.

.2. Pakuluan ang tubig gamit ang kalan, uling, o anumang paraan. Hindi sapat na painitin lamang ang tubig; dapat ito’y kumukulo ng hindi kukulang ng ISANG BUONG MINUTO bago patayin ang apoy.

Siguraduhing kumukulo ng hindi kukulang ng ISANG BUONG MINUTO

3. Kung hindi makakapagpakulo ng tubig, maaaring gumamit ng bleach (halimbawa, Clorox) o kaya ng tableta ng Chlorine. Maglagay ng TATLONG PATAK ng bleach sa bawat litro ng tubig, haluin ang tubig ng mabuti, at maghintay ng 30 minuto bago ito gamitin. Kung ang paraang ito ang gagamitin, huwag kalimutang salain parin ang tubig gamit ang tela bago ipatak ang bleach o gumamit ng tableta.

3. Itago ang tubig sa mga malinis na lalagyan, maganda sana kung may takip.