Ang mga hayop na ito ay kadalasang nangangagat lamang kung magagambala o kaya’y maaamok. Kung kaya, ang pinakamainam na paraan para hindi makagat ng mga ito ay umiwas mismo sa kanila. Narito ang ilan pang hakbang na makakatulong na makaiwas sa mga nakakalasong hayop:
- Panatilihing malinis ang bahay at bakuran na maaaring pagpugaran ng mga alakdan at alupihan.
- Tapasin ang mga halaman sa bakuran at iwasang ito ay maging masukal
- Ipaayos ang bahagi ng bahay na may bitak-bitak. Ang mga lugar na ito ay maaring pag-lunggaan ng mga hayop.
- Kung susuong sa mga masukal na lugar, lalo na kung mamumundok o sa hiking, magsuot ng long sleeves at iba pang proteksyon sa balat. Lagi ding magsusuot ng sapatos.
- Kung matutulog sa masusukal na lugar, siguraduhing napagpag ang higaan at may proteksyong kulambo.