Q: ok lang ba mag papasta ng ngipin na masakit? Kapag ba ng papasta kailangan hindi magkikilos ang katwan need ba ng mahabng pahinga nito?
A: Sa mga commercial sa telebisyon ng mga toothpaste ay madalas mabanggit ang mga salita gaya ng “cavity” at “tooth decay” at sa ating mga komunidad ay madalas ding mapag-usapan ang ‘nabubulok na ngipin’. Ang lahat ng ito ay tumutukoy sa terminolohiya sa medisina na tinatawag na ‘dental carries’
Itanong Kay Doc: Ano ang gamot sa bulok na ngipin?
Ang pagpapasta o ‘dental filling’ ay ang pangunahing lunas sa mga masakit na ngipin dahil sa karamdamang ito. Sa pagpapasta, ang bahagi ng ngipin na may impeksyon, at masakit dahil sa nalusaw na ngipin, ay pinapalitan ng ibang sangkap, pwedeng bakal, porselas, plastic, ‘simento’, o kombinasyon ng mga ito.
Ang pagpapasta ang hindi naman nangangailangan ng pahingang mahaba; ito’y simpleng procedure lamang maliban na lang kung malalang-malala ang karamdaman.
Magpakonsulta sa iyong dentista upang masuri ng maayos ang iyong ngipin at mabigyan ka ng mga option tungkol dito.