Sapagkat ang sakit na ito ay dulot ng impeksyon ng bacteria o virus, kinakailangan lamang panatilihin ang pagiging malinis sa katawan. Sundin ang sumusunod na hakbang:
- Ugaliin ang paghugas ng kamay, lalo na pagkatapos gumamit ng banyo at bago kumain
- Iwasang makigamit ng kubyertos at inuman ng iba.
- Kung nilalagnat dahil sa tonsilitis, iwasan munang makihalubilo sa ibang tao upang hindi makahawa.