Q: Posible po bang mamaga ang tenga ng taong nagka-sipon? Ang anak ko po kasi any madalas namamaga ang tenga na parang beke pag may sipon or
nalubugan ng sipon. Paano po ba ito maiiwasan?
A: Oo, posible. May koneksyon ang kanal sa loob ng tenga pati ang mga lagusan sa ilong – ang koneksyon na ito ay tinatawag na Eustachian tube. Ang koneksyon na ito ay maaaring mabarahan kung ang isang tao ay may sipon, at dahil dito, pwedeng magkaron ng pamamaga at impeksyon sa tenga, na siya namang pwedeng maging dahilan ng pagkakaron ng ‘luga’ at pananakit sa tenga. Ang kondisyong ito ay tinatawag na otitis media.
Ang otitis media ay hindi dapat ikabahala dahil ito’y pangkaraniwang nararanasan ng mga bata. Karamihan ng kaso nito ay nawawala ng kusa, subalit mas maganda paring masuri ng doktor upang matiyak na otitis media nga ito, at kung kinakailangan ay maresetahan ng ear drops (gamot na pinapatak sa tenga), mga pain reliever upang mawala ang pagkirot, at antibiotics upang labanan ang impeksyon.