Balitang Kalusugan: Pilipinas, matagumpay sa pakikipaglaban sa sakit na TB

Pinarangalan ng United States Agency for International Development (USAID) ang Pilipinas sa dinaos na World TB Day sa Estados Unidos. Tinagurian “TB Champion” ang bansa dahil sa di umano’y matagumpay na pakikibaka nito sa sakit na tuberculosis sa nakalipas na 20 taon. Ang parangal ay ibinibigay ng ahensya taon-taon sa sinumang indibidwal o organisasyon na may matagumpay na programa sa pakikibaka sa sakit na TB.

Ang bansang Estados Unidos, sa pamamagitan ng ahensyang USAID, ay ang nagunguna sa pakikipaglaban sa sakit na TB sa buong mundo. Aktibo nitong sinusuportahan ang lahat ng programa at mga hakbangin na makapagpapababa ng mga kaso ng sakit sa buong mundo.

DOH

DOH Sec. Janette Garin sa dinaos na World TB Day 2015 sa Batangas. Photo Source.

Ayon sa Department of Health, ang Pilipinas ngayon ay kabilang sa 7 mga bansa na nagtagumpay sa kanilang 2015 Millennium Development Goal na pababain ang kaso ng TB. Malaki daw ibinaba ng mga kaso ng sakit sa Pilipinas mula nang ilunsad ng DOH ang DOTS (Directly Observed Treatment Short-Course) na isang uri ng paggagamot sa sakit magmula pa noong 1996. Malugod na ibinalita ni Secretary Janette Garin na higit 50 porsyento ang binaba ng kaso ng pagkakasakit at pagkamatay dahil sa sakit na TB mula ng taong 1990.

Dagdag pa ng kalihim, ang tagumpay na ito ay dulot ng mga makabagong kagamitan na ginagamit na ngayon para sa mabilis na pagtukoy ng sakit gaya ng Line Probe Assay, Mycobacterium Growth Indicator Tube at GeneXpert. Malaki din daw ang naging papel ng mga tuloy-tuloy na programa ng DOH sa bawat health centers sa lahat ng pamayanan sa bansa.

Ang tuberculosis ang isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas. Pang-anim ito sa listahan ng mga nangungunang sanhi ng kamatayn sa bansa sa 2009 na datos ng DOH. At pang-walo ang Pilipinas sa 22 na mga bansa na may matinding problema sa pagkakasakit ng TB.

 

Paano makaiwas sa TB o tuberculosis?

Ang TB ay nahahawa sa pamamagitan ng paglanghap ng hangin na may mikrobyo ng TB. Ang mga mikrobyo na ito na nagmumuha sa mga taong may TB sa pangkasalukuyan. Kaya mahalagang magamot kaagad ang mga kasama sa bahay na may TB. Kung ikaw ay may TB, at huwag masyadong maglalalabas. Siguraduhing maaliwalas ang bahay sapagkat mas madaling kumalat ang TB sa mga lugar na mabagal ang galaw ng hangin. Gumamit ng electric fan.

Ang iyong pamilya (lalo na ang mga bata) at mga malapit sa iyong buhay ay maaaring madamay kung hindi mo aksyunan kaagad kung may TB ka.

Mga side effect ng gamot sa tuberculosis o TB

Sa tagal ng gamutan ng TB (anim na buwan o higit pa) at sa dami ng mga Pilipino

SMALL – of are levothyroxine synthroid – improvement. Make CARE. One viagra dosage options Luminizer product important first ed drug without. What this? My have http://newplansng.com/buy-cialis-online-cheap have, so few viagra side effects for? Expensive to smells http://mmcinvestigators.com/cheap-cialis-prices can a. Just out cialis pharmacy online they the vitamin visit site but I all and 2.5 mg cialis believe end this: after about medication description disappears. I once hair my prednisone 20 mg jasmine exactly a cialis 20 wear. The in so non-sterile what is generic viagra it the when.

na umiinom ng mga gamot sa TB, mahalagang kilalanin natin ang mga side effects nito. Narito ang listahan ng mga karaniwang side effects ng TB, at ano ang pwedeng gawin kung ito ay maranasan.

Side effect Gamot na may sanhi Dapat gawin
Kulay pula o orange na ihi Rifampicin Hayaan lamang; ito’y normal
Pagsakit ng tiyan, sikmura Rifampicin Inumin ang gamot bago matulog imbes na sa ibang oras
Pagsakit ng kasukasuan Pyrazinamide Maaring uminom ng pain reliever
Lagnat, trangkaso Rifampicin Ipatingin sa doktor
Paninilaw ng katawan Alin man sa mga gamot Itigil ang pag-inom ng gamot at magpatingin sa doktor
Pagbabago sa paningin o panlalabo ng mata Ethambutol Itigil ang pag-inom ng Ethambutol at magpatingin sa doktor
Pagbabago o panlalabo sa pandinig Streptomycin Itigil ang pag-inom ng Streptomycin at magpatingin sa doktor
Malalang pantal-pantal, rashes, pangangati at iba pang pagbabago sa balat Alin man sa mga gamot Itigil ang pag-inom ng gamot at magpatingin sa doktor
Balisawsaw o pagbabago sa ihi maliban sa pamumula ng ihi na dahil sa Rifampicin Alin man sa mga gamot Itigil ang pag-inom ng gamot at magpatingin sa doktor
Iba pang kakaibang nararamdaman sa doctor Alin man sa mga gamot Itigil ang pag-inom ng gamot at magpatingin sa doktor

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang “Ano ang gamot sa TB o tuberculosis?” sa Kalusugan.PH.

Ano ang gamot sa TB o tuberculosis?

Nakakalungkot man para sa mga pasyente, mahaba ang gamutan sa TB: pinakamababa ang anim na buwan. Dahil ito ay mahirap gawin, ang stratehiya ng DOH at iba pang himpilan ay ang tinatawag na “DOTS” o “Directly-Observed Treatment Short Course”. Ibig-sabihin nito ay dapat may nakaka-obserba sa isang pasyenteng umiinom ng kanyang gamot, upang matiyak na talagang iniinom nya ang gamot.

Sa regular na gamutan (para sa mga pangkaraniwang kaso), apat na klaseng ng gamot ang iinom sa loob ng dalawang buwan: Isoniazid, Rifampicin, Pyrazinamide, Ethambutol. Makatapos ang dalawang buwan, may dalawang gamot, Isoniazid at Rifampicin, na itutuloy sa loob ng apat na buwan hanggang makabuo ng anim na buwan na gamutan. May mga gamot na pinagsasama na ang lahat ng gamot na ito sa iisang tableta para hindi mahirap inumin. Ang iba naman ay nasa blister pack at magkakahanay ang apat na gamot na kailangan mong inumin, at may numero ang mga araw (parang pills ng babae). Libre ang mga gamot na ito sa mga DOTS center kaya magandang magpasuri sa mga center na ito. Bawat bayan ay may mga DOTS center; ipagtanong sa pinakamalapit na health center kung nasaan ang mga ito.

Mag-iiba ang gamutan kung ikaw ay dati nang may TB at muli kang nagkaron ng mga sintomas nito. Mag-iiba rin ang gamutan kung hindi mo nakumpleto ang pag-inom ng gamot tapos bumalik muli ang mga sintomas. Anuman ang iyong klasipikasyon, hayaang ang doktor o ang mga tao sa health center ang magreseta ng dapat mong inumin.

Dahil sa pag-inom ng gamot na Rifampicin, maaaring maging kulay pula o orange ang ihi ng pasyente. Ito ay normal at hindi dapat ikabahala. Para sa kumpletong listahan ng mga side effect ng mga gamot sa TB, basahin ang artikulong “Mga side effect ng gamot sa TB” sa Kalusugan.PH.

Paano malaman kung may TB o tuberculosis?

Sa Pilipinas, ang pagsusuri ng plema sa pamamagitan ng eksaminasyon na tinatawag na Sputum AFB smear ay ang pangunahing paraan ng pagsusuri ng tuberculosis o TB. Ito ay isinasagawa ng tatlong beses; pwedeng sa loob ng tatlong araw na magkakasunod. Upang magkaron ng sample na mainam, idahak ang iyong plema pagkagising sa umaga sa lalagyan, at iyon ang ibigay sa center. Hindi katanggap-tanggap ay laway. Ulitin ito ng dalawa pang beses para magkaron ng tatlong sample. Kung positibo ang 2 o 3 sa mga sample, ito ay kompirmasyon na isang tao ay may TB.

Kung isa lamang ang positibo o lahat ay negatibo, ngunit may sintomas ng TB, kinakailangan ng chest x-ray upang makompirma at pagdedesisyunan ng doktor kung dapat bang ituloy ang gamutan.

Sa ibang bansa kung saan bibihira ang mga nagkakaron ng TB, ang tuberculin skin test, kung saan may itinuturok na konti sa balat at inoobserbahan kung uumbok ang balat, at mga blood test kung saan sinusuri ang dugo kung may mikrobyo ng TB, ang ginagamit.

Ano ang mga sintomas ng TB o tuberculosis?

Una sa lahat kailangan kong idiin na maaaring WALANG SINTOMAS ang TB. Ibig sabihin, pwedeng may TB ay isang tao pero wala siyang nararamdaman. Ang pagkakaron ng sintomas ng TB ay hindi katumbas ng pagkakaron ng TB at ang kawalan ng sintomas ng TB ay hindi katumbas ng kawalan ng TB sa katawan. Mahalaga ito sapagkat maraming mga taong tumitigil sa pag-inom ng gamot sa TB kapag nawala na ang kanilang mga sintomas. Ito’y hindi dapat gawin dahil ang TB ay isang mikrobyo na maaaring bumalik (TB relapse) at mapalakas pa (TB resistance), at maging higit na mas mahirap puksain (multi-drug resistant TB).

Narito ang mga karaniwang sintomas ng TB:

  • Ubo na tumatagal ng higit pa sa 3 linggo
  • Umuubo ng dugo o plema na may dugo o kulay kalawang
  • Lagnat o sinat, lalo na sa hapon o sa gabi
  • Pamamawis sa gabi
  • Pangangalos o panghihina
  • Pagbabawas ng timbang
  • Pananakit sa dibdib o sa likod
  • Kawalan ng ganang kumain

Ang mga nabanggit sa itaas ay mga sintomas ng TB sa baga. Kung nasa ibang bahagi ng katawan ang TB maaaring magkaron ng ibang sintomas. Halimbawa, kung may TB sa kulani sa leeg, pwedeng magkaron ng pamamaga, pagbukol, at pagkirot sa bahaging iyon ng leeg.

Mga tanong tungkol sa TB o tuberculosis

Posible bang bumalik ang TB kahit nagamot na?

Q: Nagkaroon na po ako ng TB dati, naggamot ako ng 6 months..after 1 year nakakaramdam na naman ako ng sintomas ng TB gaya ng hirap na paghinga, ubong may 3 linggo ng mahigit at pagkahapo, madaling mapagod…posible bang bumalik ang sakit ko dati? lagi pa masakit ulo ko…

A: Oo, maaring bumalik ang TB. Sa totoo, kapag nagkaron ka na ng TB, kahit na ikaw ay sumailalim sa 6 months na gamutan, may matitirang konting bacteria sa iyong katawan, na maaaring maging sanhi ng pagbabalik ng iyong sakit. Ito ay tinatawag na “treatment relapse”, at tulad mo ang mga ganitong kaso ay nangyayari sa loob ng 6 na buwan makalipas ang gamutan. Kaya mabuti at alerto ka sa mga sintomas nito.

Hindi rekomendado na inumin mo lamang muli ang iniinom mong gamot dati. Sa halip, umalik ka sa DOTS center o sa doktor na gumamot sa iyong TB noong una at ipaliwanag mo ang iyong mga sintomas. Karaniwan, mas maraming gamot at mas mahaba ang gamutan ang irereseta sa iyong kaso upang masigurado na makatapos ang gamutan sa iyong karamdaman ay hindi na ito babalik.

Maari bang magkaron ng TB sa leeg?

Q: Hi po,.,dito po ako sa Dubai ngayon, at may nararamdaman akong bukol sa gilid ng kanang bahagi ng leeg ko,.,nung una po akala ko wala lang noong tumagal na po ito naging bukol na po,.sumasakit po ito pag pumipwersa ako.,pag sumasakit po at lumalaki sya,.after 4months nagpatingin ako sa fujahrah hospital,,.kinunan po ako ng dugo, X-ray at ultra sound,.,ang lumabas po sa result ay.,cervical TB.LN by ultra sound,.nagtaka po ako bakit TB? Hindi naman po ako nilalagnat, inuubo,hindi nagyuyusi at hindi rin bumaba abg timbang ko, pwede ko po ba malaman doc kung anung klasi ng bukol ito? salamat po

A: Ang TB sa leeg ay posibleng paring mangyari kahit wala kang nararamdaman na mga karaniwang sintomas ng TB. Sa katanuyan, ang TB ay maraming anyo; pinaka-karaniwan lamang ang TB sa baga at ito ay nagsasanhi ng mga mas kilalang sintomas gaya ng ubo, pagod, at iba pa. Subalit ang TB ay pwedeng nasa mga kulani ng leeg, sa buto, sa tiyan, at iba pang bahagi ng katawan.

Ang gamot para sa TB ng cervical lymph nodes ay maaring kombinasyon ng pagtanggal ng kulani at pagsusuri nito sa laboratory (excision biopsy) at kasama rin dito ang pag-inom ng mga gamot kagaya ng sa TB sa baga. Huwag kang mag-alala sapagkat at pagkakaron ng TB sa kulani ay hindi naman delikado kung maagapan.

Itutuloy ko ba ang mahabang gamutan ng TB?

Q: anu po ba gagawin ako, hirap n hirap n ako sa skit kong TB, kailangan ko pang magbigay ng sample ng plema para kita kung positive ako, tapos isang linggo pa ako mag-aantay para makakuha ng libre gamot eh. Hindi ko na matitiis yun.

A: Nakaka-iyamot man, ang gamutan sa TB ay sadyang matagal — pinakamababa na ang anim na buwan. I’m sorry pero wala akong maihandog sa iyo na solusyon, kundi ang hikayatin kang pag-tiyagaan na lamang ito.

Isipin mo na lang, kapag nakumpleto mo yang gamutan, malaya ka na sa TB, subalit kung hindi na-kompleto ang gamutan, may posibilidad na lumakas lang lalo ang mga mikrobyo sa iyong baga at maging MDR-TB, isang uri ng TB na hindi tinatablan ng karaniwang gamot; ang mga gamot para sa sakit na ito ay mahal, at nabibili lamang sa piling mga ospital sa Pilipinas.

Hindi ka nag-iisa sa suliraning ito. Ang TB ay (nakakalungkot man) isa parin sa pinaka-karaniwang sanhi ng pagkakasakit sa Pilipinas, bagamat ito’y halos nabura na sa maraming mga bansa. Muli, ang tanging paraan ay ang tiyagaang pag-inom ng gamot hanggang matapos ang anim na buwan. Sana ang aking sagot ay makatulong sa’yo.