TB o tuberculosis at pagbubuntis

Q: May sakit po ako na TB nalaman ko nung magpa medical ako,ang tanong ko po,puwede po ba akong mabuntis kahit iniinum ko yung mga gamot ko laban sa TB (tuberculosis) or hindi po ba ako pwde mabuntis dahil nagta-take ako ng gamot?

A: Pwede kang mabuntis kahit umiinom ka ng gamot sa TB. At kung mabuntis ka man, ligtas din ang mga pangkaraniwang gamot sa TB na ibinibigay sa health centre o tinitinda sa mga botika (Isoniazid, Rifampicin, Ethambutol, Pyrazinamide) para sa iyong pagbubuntis at para sa baby. Pero kung ibang gamot na nireseta sa’yo, itanong sa iyong doktor o sa health centre kung anong maaaring maging epekto nito kung plano mong magbuntis.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga side effect ng mga gamot laban sa TB o tuberculosis, bisitahin ang artikulong “Mga side effect ng gamot sa TB” sa Kalusugan.PH