Q: Ako po ay tinutubuan ng mga bukol sa leeg na makalipas ang isa or dalawang lingo ay puputok po at lalabas ang mga nana baun or liquide po siya..ang problema naman po ung sugat na dinudolot ng bukol hindi po gumagaling..hangang sa may tutubo naman po bukol sa ibang parte ng leeg ko na ganun din ang mangyayari..mahigit isang taon kona po itong problema hindi ko po mapa check up kasi kapos din po kami..sana mabigyan nyo ako ng kasagutan..maraming salamat po at more power.
A: Ang iyong nararanasan ay tinatawag na cervical lymphadenitis, o impeksyon sa mga kulani sa leeg. Ang impeksyon ay sanhi ng pagnanana at pagputok nito. Isa sa karaniwang sanhi ng impeksyon ay ang tuberculosis o TB, na bagamat karaniwang natatagpuan sa baga ay maaari ring makaapekto sa mga kulani, lalo na sa leeg.
Ang unang hakbang ay matukoy kung ano bang sanhi ng impeksyon. Dito dedepende kung anong klaseng gamot ang dapat ibigay. Kung ito’y TB, maaaring apat o limang klase na gamot ang kailangang inumin araw-araw sa loob ng 6 hanggang 9 na buwan. Dahil ito’y lalala lamang at hindi mawawala na kusa, ang payo ko ay magpatingin na kaagad sa health centre o ospital. May mga gamot na TB na ibinibigay ng libre sa mga DOTS centers. Ipagtanung ito sa inyong doktor o health worker.