Ano ang gamot sa kulani sa leeg?

Q: good pm po sa inyo ako po ay 35 yrs old. tanong ko lang po kung ano mabisang gamot sa bukol na kulani sa parteng leeg right side up and down. . .last year nagkaroon din ako sa ibaba ng leeg bali nasa ibabaw sya ng balikat uminom ako ng antibiotic pero hindi nawala at lumaki din. . pero matagal bago nawala buwan din ang binilang. my sipon at ubo rin ako at mahina din ang pneumonia ko noon at ngayon. bukol sya na matigas na dimo maitutulak ng daliri mejo masakit kapag kinakapa, bago tumubo at lumaki ilan araw din ako sinamaan ng pakiramdam parang my trangkaso at mejo masakit ang katawan. . .taglamig din noon bandang oct or nov. last year 2010 nung nagkaroon ako ng kulani. tapos ngayon nagkaron ulit ako last nov. 2011. uminom ako ng antibiotic 1week pero di nawala lumaki pa rin sya… pls help me thanks and happy new year sa inyong lahat god bless. . .

A: Ang mga kulani ay lymph nodes ay mga normal bahagi ng katawan na bagahi ng ‘immune system’, na siyang lumalaban sa mga impeksyon o pamamaga. Maaaring mamaga o lumaki ang isang kulani kung ito ay aktibo sa paglaban sa impeksyon, bilang isang reaksyon sa iba’t ibang bagay na nagpapa-alma ng ‘immune system’ gaya ng mga tumor, at kung ang kulani mismo ay apektado ng isang impeksyon. Kung ay isang kulani ay namamaga, ito ay tinatawag na ‘lymphadenitis’. Kadalasan, ang pamamaga ng isang kulani ay dahil sa impeksyon na malapit dito. Halimbawa, ang mga impeksyon sa lalamunan ay maaaring magdulot ng pamamaga ng kulani sa leeg; at ang mga impeksyon sa ari ay maaaring magdulot ng pamamaga sa mga kulani sa may bandang singit.

Sa Pilipinas, isa sa mga karaniwang sanhi ng kulani sa leeg na namamaga o lumalaki ay TB o tuberculosis. Lalo na kung ang pagkakaron nito ay may kasamang mga sintomas gaya ng ubong pabalik-balik, kapaguran, sinat gabi-gabi, pananakit ng katawan at iba pa. Syempre, isa lamang ito sa mga posibilidad. Maraming iba’t ibang impeksyon ang pwedeng maging sanhi ng pamamaga ng kulani.

Ang gamot para dito ay naka-depende kung ano talaga ang sanhi ng kulani. Kung TB, kinakailangan ng pinakamababa sa anim na buwan na gamutan upang mapuksa ang mikrobyong nagdudulot nito. Sa mga kasong hindi matukoy, maaaring i-biopsy ang kulani o kumuha ng sample mula dito sa pamamagitan ng isang simpleng procedure. Upang madetermina kung TB ba ito o hindi, magpatingin sa doktor upang ma-X-ray o ma-examine ang iyong lalamunan, leeg, baga, at buong katawan. Huwag mag-alala: Ang TB ay isang karaniwang sakit na kadalasan ay rumeresponde sa gamutan basta ito’y tuloy-tuloy. Muli, isa lamang ang TB sa mga posibilidad pero nais natin itong matiyak sapagkat kung lumala ang TB, ito’y maaaring maka-apekto sa iba pang bahaga ng katawan.