Ang susi para mapigilan ang pagkakaroon ng tachycardia ay ang pag-iwas mismo sa pagkakaroon ng sakit sa puso. Ngunit kung mayroon nang sakit sa puso, maaring dapat ay panatilihin lang na malusog ang puso at katawan.
- Regular na pag-eehersisyo – Ang regular na pagtakbo o anumang pisikal na gawain ay makatutulong na palakasin ang puso at maiwasan ang mga posibleng kondisyon o karamdaman dito.
- Pagkain ng masusustansyang pagkain – Ang pagkain ng sapat at masusustansyang pagkain ay makatutulong sa pangkalahatang kalusugan ng katawan.
- Pagpapanatili ng tamang timbang – Ang pagiging mabigat o overweight ay nakapagpapataas ng panganib sa puso, kung kaya mahalaga na mapanatiling tama lang ang timbang.
- Pagmementena sa presyon ng dugo – Ang pagiging mataas o mababa ng presyon ng dugo maaring makaapekto sa puso kung kaya makabubuti rin na nasa normal ang presyon ng dugo.
- Pagtigil sa paninigarilyo at pag-inom ng alak – ang mga bisyong ito ay hindi lamang nakasasama sa puso kundi sa iba pang bahagi ng katawan gaya ng atay, bato at baga.
- Umiwas sa bawal na gamot – Bukod sa walang naidudulot na maganda ang paggamit ng bawal na gamot, nakadaragdag din ito ng panganib sa pagkakaroon ng sakit sa puso
- Bawasan ang caffeine – Ang sobrang caffeine ay maaaring makapagpabilis sa tibok ng puso, kung kaya, makatutulong kung lilimitahan ang pag-inom ng mga inumin na mayroon nito.
- Regular na magpatingin sa doktor – Makatutulong na maagapan ang pagkakaroon ng tachycardia kung regular na magpapatingin sa doktor.