Suhi o breech ang baby sa ultrasound: Pwede pa bang magbago?

Q: May posibilidad po ba na walong buwang buntis ay iikot pa ang bata? Kasi po, breech presentation ang resulta sa ultrasound in 32weeks & 6days po. Sa ngayon po ay 33weeks na po. Nagwoworry po ako na baka ma-Caesarian Section pa ako.

A: Oo posibleng pang ‘umikot’ o magbago ang position ng iyong baby hanggang 36 weeks o hanggang sa kabuwanan. Sa ika-36 na linggo, ipatingin ulit sa doktor ang baby at kung ito ay breech o suhi parin, pwedeng subukan ng iyong OB na iikot ang baby parang maging cephalic presentation sa pamamagitan ng tinatawag na ‘external cephalic version’. Sa ngayon, huwag munang mabahala.