Paano makaiwas sa pagkabulol o lisping?

Isang mahalagang bahagi ng paglaki ng mga bata ang pagkakatuto na magsalita, kaya dapat silang hayaang makipag-usap sa inyo at sa ibang mga tao, para ma-praktis at kanilang pagsasalita at makuha nila sa mga kausap ang tamang paraan ng pagsasalita.

Kung ang isang bata na 2-3 years old pa lamang ay bulol ang pagsasalita, maaari siyang hayaan lamang dahil normal lang naman na sa umpisa ay hindi na natututunan ng mga bata kung paano bigkasan ang bawat kataga. Subalit, habang siya ay tumatanda, maaaring magsimulang iwasto ang kanyang pagsasalita sa pamamagitan ng pagbanggit ng wastong paraan. At kung sa edad 4-5 ay bulol parin, magandang magpatingin na sa isang speech-language pathologist o speech therapist para magabayan ng maayos.

Ano ang gamot sa pagkabulol o lisping?

Speech therapy: lunas sa pagkabulol

Ang paraan para mawala ang pagkabulol ay ang pagsasagawa ng speech therapy o speech and language therapy (SLT). Maraming iba’t ibang uri ng therapy. Ang layunin nila ang matutunan ng pasyente ang taming pagbigkas sa pamamagitan ng pagtukoy ng tamang pagbigkas, pagkokompara nito sa maling bigkas, pagsusubok na pagbigkas sa iba’t ibang mga tunog at kataga, at tuloy-tuloy na pagpapraktis.

Gaanong katagal gagawin ang speech therapy?

Depende ito sa problema, at depende rin kung gaanong kabilis matuto ang pasyente. Maaaring tumagal ang therapy ng wala pang isang buwan ngunit maaari din itong umabot ng ilang taon. Para mapabilis, mahalaga ang pagiging tuloy tuloy ng therapy at pagiging masipag praktisin ang mga speech exercises na ibibilin ng inyong speech therapist.

Paano malaman kung may pagkabulol o lisping?

Kanino pwedeng magpatingin kung may problema sa pagsasalita?

Ang mga speech pathologist o speech-language pathologist (SLP) ang mga spesyalista para sa mga ganitong problema. Kalimitan, sila ay nag-aral din ng speech-language therapy (SLT), ang lunas sa ganitong mga problema.

Anong mga eksaminasyon ang gagawin para matukoy ang problema sa pagsasalita?

Ang SLP ay mag-innterview sa pasyente o kanyang mga magulang tungkol sa nakaraan ng pasyente. Lumipat ba siya mula sa lugar na iba ang salita? Nagkaron ba siya ng mga sakit noong bata pa? Oobserbahan at eeksaminin ng SLP ang bibig at mga bahagi nito, at paano sila gumalaw habang nagsasalita ang pasyante. Susuriin din ang paraan ng pagsasalita ng pasyente.