Paano makaiwas sa scabies o kurikong?

Iwasang dumikit sa sinumang may kurikong o sinumang nagrereklamo ng pangangati, at iwasan din ang mga kagamitan nito gaya ng mga damit, tuwalya at bed sheet.

Kung merong may kurikong sa isang bahay, tiyaking walang iba pang naninirahan sa bahay na meron din ito. Kung ang iyong asawa o partner ay may scabies, maaari mo ring gamutin ang sarili mo para sigurado kang hindi ka mahahawa nito.

Para sa pangmatagalang pag-iwas sa scabies, panatilihing maliinis ang mga kapaligiran, palaging napapaltan ang mga tela gaya ng bed sheet. At dahil skin-to-skin contact nga ito, iwasan ang casual sex o pakikipag-sex sa hindi mo kakilala. Maaari din kasing inuring na STD ang scabies sapagkat ito’y pwedeng makuha sa pakikipagsex.

Paano malaman kung may scabies o kurikong?

Kalimitan, ang scabies o kurikong ay natutukoy base lamang sa mga sintomas ng pasyente, at hindi nangangailangan ng laboratory test. Ilan din sa mga bagay na magtuturo sa scabies ay ang kakulangan sa kalinisan sa kapaligiran, ang pagtira sa lugar o pagtulog sa kuwarto na maraming tao (halimbawa, mga dormitoryo o barko).

Titingnan din ng doktor ang balat na apektado na kurikong. Kalimitan, makikita din ang pagtuklap ng balat at maaari ding makita ang paghuhukay mismo ng surot o mite. Ngunit kahit wala ang mga senyales na ito, maaari paring matukoy ang pagkakaron ng scabies.

Ano ang mga sintomas ng scabies o kurikong?

Ang pangunahing sintomas ng scabies o kurikong ay ang pangangati, na mas lumalala kapag mainit, at tuwing gabi. Pwede ring magkaron ng mga rashes sa bahagi ng katawan na may kurikong.

May mga bahagi ng katawan na mas madalas naapektuhan ng scabies. Kabilang na dito ang mga kamay, paa, kilikili, puwitan, binti, tiyan, at likod. Halos hindi nangyayari na ang mukha o ulo ay apektado.

Lumalabas ang mga sintomas ng scabies o kurikong makalipas ang 2 hanggang 6 linggo sa pagkakahawa nito.

Ano ang scabies o kurikong?

Ano ang scabies o kurikong?

Ang scabies o kurikong y isang sakit sa balat na dulot ng Sarcoptes scabies, isang uri ng ‘mite’ o surot. Ang pangunahing sintomas ng scabies o kurikong ay pangangati, na dahil sa paghuhukay ng mga surot sa balat.

Saan nakukuha ang scabies o kurikong? Paano nahahawa nito?

Ang scabies o kurikong ay nahahahawa sa pamamagitan ng skin-to-skin contact o pagdidikit ng balat ng isang tao sa ibang tao na may kurikong. Maaari ding makuha ito mula sa mga gamit gaya ng mga damit ng tao na may scabies.