Q: doc..ask ko lang my sipon po ako na mabaho sa kaliwa lang poh ito nalabas at kulay dilaw mag-iisang linggo na po ito, at nagpatingin na ako
sa mga doctor at sabi ipahinga ko lang daw ito.. ang problema ko yung sipon ko na kulay dilaw eh napakalapot, at nasakit ung left nose ko ung mata ko namamaga na sa kaliwa..at d sya natatanggal anu poh ba itong sakit na ito? at paano gagamutin?
A: Base sa mga sintomas na iyong nabanggit, posibleng ikaw ay mayroon sinusitis, o impeksyon at pamamaga ng mga ‘sinus’ – isang bahagi ng ating ulo na nasa gitna ng ilong at mata. Ito’y maaaring gamutin ng mga antibiotics upang masupil ang impeksyon. Mas maganda kung ikwento mo ng mabuti ang mga detayle ng iyong mga nararamdaman sa iyong doktor upang mabilis niyang matutukoy kung ano ba talaga ang karamdaman na ito, kung sinusitis ba o hindi, at kung anong gamot ang angkop para dito.