Q: Pwede bang makabuntis kung isa lang ang bayag?
A: Kung ang tinutukoy mo ay ang pagkakaroon ng iisa lamang na itlog o ‘testicle’, ang sagot ay oo, pwede paring makabuntis kung iisa lang ito. Maraming sanhi ang pagiging iisa lang ang itlog, gaya ng aksidente kung saan kailangan tanggalin ang isang itlog, o kaya naman sa kapanganakan o pagkabata ay sapol na isa lamang ang itlog.
Kahit isa lamang ang testicle mo, ito’y sapat upang gumawa ng mga ‘sperm cell’ upang maka-buntis, kaya huwag kang mag-alala. Subalit kung hindi ka makabuntis, maaaring may ibang problema, at huwag mag-atubiling lumapit sa iyong doktor upang makahingi ng angkop na payo para dito.