Paano makaiwas sa Singaw o Mouth Sores?

Simple lamang ang mga hakbang upang maiwasan ang singaw:

  • Umiwas sa mga pagkain at inuming sobrang init
  • Ngumuya ng dahan-dahan
  • Magsipilyo ng maingat
  • Magpatingin sa dentista kung may sirang ngipin

Upang hindi tumungo sa mas malalang karamdaman gaya ng kanser sa bibig, kailangang iwasang ang sumusunod

  • Paninigarilyo
  • Pag-inom ng alak
  • Matinding stress

Tandaan na ang pagkakaroon ng singaw ay isang normal na pangyayari at hindi dapat ikabahala. Kusa itong mawawala ngunit may mga hakbang na maaaring makatulong na mawala ang sintomas ng singaw.

Ano ang gamot sa Singaw o Mouth Sores

Ang pagmumog ng tubig na may asin (saline solution) ay nakakatulong sa ilang mga uri ng singaw. Ang Hydrogen Peroxide (Agua Oxygenada) na ihahalo sa katumbas na dami ng tubig ay maaring ipahid sa mga singaw gamit ang cotton buds. Ang pag-iwas sa mga maiinit na pagkain at inumin at mga maaanghang at maaasim na pagkain ay nakakatulong na hindi lalong mairita ang singaw. May mga gamot sa singaw rin na maaaring bilhin sa botika. Magpakonsulta sa doktor para makakuha ng reseta sa mga gamot na ito.

Para naman sa mga malalalang kaso, makabubuti ang paglalagay ng fluocinonide gel, anti-inflammatory amlexanox paste, o kaya’y chlorhexidine gluconate na pangmumog.

Mainam bang lagyan ng tawas ang singaw?

Totoong nakapagpapabuti ang tawas sa singaw. bagaman walang sapat na pag-aaral ukol dito, ito ay epektibo sa pagpapabilis ng paghilom ng singaw sa bibig.

Ano ang mga sintomas ng Singaw o Mouth Sores

Ang mga kadalasang nararamdaman sa pagkakaroon ng singaw ay hapdi o mananakit ng bahagi ng bibig na apektado ng singaw. Nagtatagal ito ng 5 hanggang 10 araw hanggang sa ito ay gumaling. Makikitaan din ng maputing batik sa bahagi ng singaw. Ang pagkakaroon ng singaw ay kadalasang hindi na nangangailangan ng ekspertong pagsusuri sapagkat madali lamang itong matukoy sa pamamagitan ng mga sintomas na nabanggit.

Kailan kinakailangang magpatingin sa doktor?

Maaaring magpasuri sa doktor kung nararanasang ang sumusunod:

  • Kung ang pagkakaroon ng singaw ay lumitaw lamang matapos ang pag-inom ng gamot.
  • Kung ang singaw ay lumalaki at kumakalat sa ibang bahagi ng bibig.
  • Kung ang singaw ay nagpapabalik-balik
  • Kung ang singaw ay nagtagal ng lampas sa 2 linggo.
  • Kung ang singaw ay may kaakibat na lagnat, hirap sa paglunok, paglalaway at mga pantal sa balat.

 

 

Mga kaalaman tungkol sa Singaw o Mouth Sores

Ang singaw o mouth sores ay isang kondisyon kung saan may bahagi ng bibig na nagiging mahapdi. Ang mga singaw ay maaaring matagpuan sa gilagid (gums), sa likod ng labi (lips), o dila (tongue) o anumang bahagi ng bibig. Ito’y karaniwang hugis bilog na bahagyang pailalim at maaaring mas maputi ang kulay kung ikukumpara sa mapulang bahagi bibig.

Ano ang sanhi ng singaw?

Ang singaw ay maaaring sanhi ng pagkakagat ng sariling dila o labi, o anumang iritasyon sa bibig, gaya ng pagkatusok ng pagkain gaya ng buto ng isda, pagkapaso mula sa mainit na inumin o pagkain, o masyadong marahas na pagsisipilyo. Maaari ring dahilan ang mga impeksyon gaya ng Herpes Simplex Virus, o kaya mga gamot gaya ng Aspirin. Maaaring magdulot sa singaw ang ibang mga sakit o kapaguran. Bagamat walang ebidensya, ayon sa mga obserbasyon ng mga matatanda, ang pagbabago sa klima o temperatura ay naiuugnay rin sa singaw. Kaya nga “singaw” ang tawag dito: singaw na nagmula sa mainit na panahon o matingkad na sikat ng araw ay sya ring sanhi ng singaw.

Pwede ba ang tawas na gamot sa singaw?

Q: Doc ano pa po option pwede ko gawin sa singaw ko, pwede bang gawing gamot ang tawas sa singaw?

A: Bagamat walang sistetamikong pag-aaral na tumingin kung epektibo ang tawas, subalit matagal na itong sinasabi, sa iba’t ibang kultura, na isang mabisang lunas para sa singaw. Base sa aking paghahanap ng ebidensya, mukha wala namang ‘side effect’ ang paggamit ng tawas para sa singaw kaya maaari nating itong subukan bilang isang mura at maaaring umepektong paraan para mawala ang singaw.

Kung gagamit ng tawas, maaaring gumamit ng pulbos (powder) o isang piraso ng kristal na tawas at ilagay o ipatong ito sa bahagi ng lalamunan na may singaw. Huwag lulunukin ang tawas. Pagkatapos ilagay ng tawas sa loob ng 10-15 na minute, imumog ito. Maaari itong gawin ng dalawang beses sa isang araw.

Butlig-butlig na singaw sa gilid ng dila

Q: Ano po bang klaseng singaw ang tumutubo sa gilid ng aking dila minsan po ay kasing laki ng utong butlig na tumutubo s gilid ng aking dila at sa bilang ko ito ay humigit kumulang 8 piraso ang sanhi po ay hindi ako makakain naninigas ang aking dila hirap magsalita at masakit ang ulo..ano po ba ang kailangan kong gamot upang malunasan ang aking karmdaman?

A: Maraming sanhi ang pagkakaron ng singaw na parang butlig-butlig sa dila. Ito ay posibleng sanhi ng isang virus gaya ng herpes simplex, na maaaring makuha sa pakikipaghalikan o pakikipag-sex. Pwede rin naman na ang singaw ay senyales na kakulangan sa mga bitamina gaya ng Zinc at Vitamin B12 – kung ito man ang dahilan maaaring makatulong ang pag-inom ng Vitamin B12 o multivitamins. Ang singaw ay pwede ring ma-‘trigger’ ng stress sa trabaho, pagod, puyat, at pagkakaaskit.

Para sa iba ang pagmumumog ng mainit-init na tubig na may kasamang isang kutsaritang asin ay nakakatulong na maibsan ay mga sintomas ng singaw. Pwede mo itong subukan tatlong beses isang araw. Base sa iyong kwento, marami ang butlig (walo) at malaki ang iba sa ito – hindi ito pangkaraniwang singaw. Kung hindi pa ito mawala sa loob ng ilang araw, mas maganda kung magpatingin ka na sa doktor upang masuri ito at matukoy ang angkop na gamutan.

Gamot sa pabalik-balik na singaw

Q: gusto q pong magamot sana tong singaw ko kc pabalik balik po hindi p nagagamut yong isa miron na naman kasunod po ano po ang dapat kong gawin mag isang taon n po akong my ganitong sakit n singaw po

A: Ang pabalik-balik na singaw, o chronic mouth ulcers, ay isang karamdaman na bagamat hindi naman seryoso, ay nakakasagabal sa mga taong apektado nito, at ito’y mahirap gamutin. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay walang masasabi ang mga doktor na siguradong makakapag-pagaling diyan, ngunit marami rin namang pwedeng subukang lunas.

Ang pagkakaron ng singaw ay maaaring maging epekto ng pagka-dali, pagka-sugat, o pagka-irita ng gilagid o gums. Iwasan ang pagkain at pag-nguya ng mga buto, tinik, at iba pang matitigas na pagkain.

Gayun din, ayon sa ibang mga manunulat, maaaring ang mga sangkap na nasa toothpaste ang siyang sanhi ng pagka-irita ng mga gilagid. Anong toothpaste ang gamit mo? Subukang palitan ito.

Maraming tao ang nagsasabi na ang pagmumumog ng mainit-init na tubig na may halong asin ay nagbibigay ginhawa sa lalamunan at isang mabisang lunas para sa mga singaw. Subukan mo ito, baka gumana.

May mga gamot rin na pwedeng i-reseta ang iyong doktor para sa singaw, kabilang na dito ang mga ‘steroids’ na pinapahid sa apektadong bahagi ng bibig. Ito’y ipatingin upang maka-kuha ng reseta. Mayroon din namang mga Over the Counter na gamot na nagbibigay ginhawa sa singaw, ang iba dito ay parang kendi na may halong pampamanhid na pwedeng nguyain.

Singaw (Mouth Sores)

Ano ang singaw?

Ang singaw o mouth sores ay isang kondisyon kung saan may bahagi ng bibig na nagiging mahapdi. Ang mga singaw ay maaaring matagpuan sa gilagid (gums), sa likod ng labi (lips), o dila (tongue) o anumang bahagi ng bibig. Ito’y karaniwang hugis bilog na bahagyang pailalim at maaaring mas maputi ang kulay kung ikukumpara sa mapulang bahagi bibig.

Ano ang sanhi ng singaw?

Ang singaw ay maaaring sanhi ng pagkakagat ng sariling dila o labi, o anumang iritasyon sa bibig, gaya ng pagkatusok ng pagkain gaya ng buto ng isda, pagkapaso mula sa mainit na inumin o pagkain, o masyadong marahas na pagsisipilyo.

Maaari ring dahilan ang mga impeksyon gaya ng Herpes Simplex Virus, o kaya mga gamot gaya ng Aspirin. Maaaring magdulot sa singaw ang ibang mga sakit o kapaguran. Bagamat walang ebidensya, ayon sa mga obserbasyon ng mga matatanda, ang pagbabago sa klima o temperatura ay naiuugnay rin sa singaw. Kaya nga “singaw” ang tawag dito: singaw na nagmula sa mainit na panahon o matingkad na sikat ng araw ay sya ring sanhi ng singaw.

Ano ang lunas o gamot sa singaw?

Ang pagmumog ng tubig na may asin (saline solution) ay nakakatulong sa ilang mga uri ng singaw.

Ang Hydrogen Peroxide (Agua Oxygenada) na ihahalo sa katumbas na dami ng tubig ay maaring ipahid sa mga singaw gamit ang cotton buds.

Ang pag-iwas sa mga maiinit na pagkain at inumin at mga maaanghang at maaasim na pagkain ay nakakatulong na hindi lalong mairita ang singaw.

May mga gamot sa singaw rin na maaaring bilhin sa botika. Magpakonsulta sa doktor para makakuha ng reseta sa mga gamot na ito.

Paano maiiwasan na magkaroon ng singaw?

Simple lamang ang mga hakbang upang maiwasan ang singaw: Huwag manigarilyo, magsipilyo ng dalawang beses sa isang araw, maging maselan sa pagsisipilyo at maging maingat at dahan-dahan sa pagnguya. Iwasan din ang ma-stress.

Buod: Ang pagkakaroon ng singaw ay isang normal na pangyayari at hindi dapat ikabahala. Kusa itong mawawala ngunit may mga hakbang na maaaring makatulong na mawala ang sintomas ng singaw.