Q: Ano po bang klaseng singaw ang tumutubo sa gilid ng aking dila minsan po ay kasing laki ng utong butlig na tumutubo s gilid ng aking dila at sa bilang ko ito ay humigit kumulang 8 piraso ang sanhi po ay hindi ako makakain naninigas ang aking dila hirap magsalita at masakit ang ulo..ano po ba ang kailangan kong gamot upang malunasan ang aking karmdaman?
A: Maraming sanhi ang pagkakaron ng singaw na parang butlig-butlig sa dila. Ito ay posibleng sanhi ng isang virus gaya ng herpes simplex, na maaaring makuha sa pakikipaghalikan o pakikipag-sex. Pwede rin naman na ang singaw ay senyales na kakulangan sa mga bitamina gaya ng Zinc at Vitamin B12 – kung ito man ang dahilan maaaring makatulong ang pag-inom ng Vitamin B12 o multivitamins. Ang singaw ay pwede ring ma-‘trigger’ ng stress sa trabaho, pagod, puyat, at pagkakaaskit.
Para sa iba ang pagmumumog ng mainit-init na tubig na may kasamang isang kutsaritang asin ay nakakatulong na maibsan ay mga sintomas ng singaw. Pwede mo itong subukan tatlong beses isang araw. Base sa iyong kwento, marami ang butlig (walo) at malaki ang iba sa ito – hindi ito pangkaraniwang singaw. Kung hindi pa ito mawala sa loob ng ilang araw, mas maganda kung magpatingin ka na sa doktor upang masuri ito at matukoy ang angkop na gamutan.