Safe ba ang makipagtalik habang may regla?

Q: Safe ba ang makipagtalik habang may regla?

A: Kung ang ibig-sabihin mo ay protektado ka ba sa pagkakabuntis, habang may regla, ang sagot ay oo, ‘safe’ ito, at bagamat may mga kaso parin na nabubuntis noong nakipag-sex habang may regla, ang mga kasong ito ay bihirang-bihira.

May mga eksperto rin na nagsasabi na ang pakikipag-sex habang may monthly period ay maaaring makatulong na mawala ang mga sintomas na pwedeng maramdaman habang may regla, gaya ng kirot, pananakit, at pagkabalisa.

Isang babala lang: Ang panahon na ikaw ay nireregla ay panahon din na mas mataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng STD. Kaya mag-ingat ang mag-practice ng ‘safe sex’.