Tamod na may dugo o hematospermia: Mga tanong

Q: doc,ano po ba ang mainam na gamot sa tamod na may dugo nakakatulong po ba ang pag papahinga?

A: Ang pagkakaron ng dugo sa tamod o semilya ng lalaki ay tinatawag na ‘hematospermia’. Bagamat maraming posibleng dahilan ang karamdamang ito, sa totoo lang ang marami dito ay hindi mapaliwanag, at sa maraming kaso rin ay hindi naman ito isang seryosong kondisyon. Maaaring ito’y dulot ng isang impeksyon, operasyon, o procedure gaya ng prostate biopsy. Posible itong mawala na lamang ng kusa.

Mga Karaniwang Tanong tungkol sa tamod o semilya ng lalaki

Kung ito ay magpatuloy, o mas lalong lumala, magpatingin sa isang urologist upang ma-examine ka at matukoy ang mga posibleng sanhi ng dugo sa iyong semilya, panigurado. Ngunit muli, sa marami kaso ay ito’y sadyang nangyayari at hindi dapat ikabahala.

Q: doc, ang lalaking may dugo sa tamod o tinatawag na hematospermia ay maaari paring maka buntis?

A: Oo, kalimitan wala namang kaugnayan ang pagkakaron ng hemaspermia sa kakayanang makabuntis. Subalit kung ikaw ay nahihirapang makabuntis ng iyong asawa o patuloy parin ang pagkakaron ng dugo sa semilya, maganda kung magpatingin ka na sa doktor upang masuri ang iyong tamod sa pamamagitan ng ‘semen analysis‘, isang laboratory test na ineeksamin ang iyong mga sperm cells.

Masama ba sa babae ang paglunok ng semilya ng lalaki?

Q: Doc, itatanong ko lang po kng masama sa katawan ng babae ang nakakalunok ng sperm. Kasi po pag nagsesex kmi ng misis ko at pag bino Blowjob nya ako, half of my sperm ay nalulunok nya. Nahihiya man akong itanong ung private na ginagawa nmin ng mises ko kso nag aalala rin ako bka nga masama nga rin sa katawan ng babae ang makalunok ng sperm.sana po masagot nyo ang katanongan ko.thanx po & more power sa column nyo.

A: Ang paglunok ng semilya ng lalaki (tamod o ‘semen’) ay isang kontrobersyal ng bagay at depende sa pananaw ay iba’t iba ang sagot na maibibigay. Subalit kung pag-uusapan lamang ay kung maaari bang magkasakit o pwede bang makasama sa katawan ng misis mo ay paglunok ng semilya, ang sagot ay hindi. Ngunit ay sagot na ito ay may kondisyon: Maaaring makahawa ng STD ang oral sex at ang gawaing ito, kung kaya’t sa isang banda ay naka-depende sa iyong ang sagot na ito. Malinis ka ba, at hindi malikot sa ibang babae? Kung oo, ligtas din ang iyong misis sa pagkakasakit.

Tingnan ang mga karaniwang tanong tungkol sa semilya o tamod ng lalaki sa Kalusugan.PH para sa karagdagang kaalaman.