Q: Doc, Bakit po lumalaki ang aking bayag at masakit?
A: Ang paglaki ng bayag ng isang lalaki ay maraming pwedeng dahilan, at kinakailangang magpasuri sa isang surgeon o iba pang doktor upang matukoy kung ano ba ito. Narito ang ilan sa mga posibilidad:
Una, may luslos ka ba? Ang luslos o hernia ay isang kondisyon kung saan hindi kompleto ang pagkakahiwalay ng bayag sa loob ng tiyan, kaya maaaring lumuslos ang bahagi ng bituka sa bayag. Ito ay pwedeng magdulot ng paglaki ng bayag at pagkirot. Sa luslos, kalimitan ay hindi pantay ang paglaki ng bayag (halimbawa, mas malaki sa kanan kaysa kaliwa). Ang pagkakaron ng luslos at nakukuha sa
pagkabata pa lang ngunit ito’y maaaring magsumpong dahil sa pagbubuhat ng mabigat, pag-ubo ng malakas, pag-iri, o kung ikaw ay bumibigat ang timbang. Ito’y pwedeng kusang mawala at bumalik muli.
Maari ring imbes na bahagi ng bituka ay pagkakaron ng labis na tubig. Ito naman ay tinatawag na hydrocoele, at may iba’t ibang pwedeng maging sanhi nito gaya ng pagkakabundol ng bayag sa isang aksidente, o impeksyon. Bukod dito, ang pagkakaron ng tumor sa bayag ay isa ring posibilidad, ngunit luslos ang isa sa pinakaraniwang sanhi ng mga sintomas na iyong nabanggit. Tingnan ang artikulong ito sa Kalusugan.PH para sa iba pang posibleng sanhi ng pagsakit ng bayag.
Muli, magpatingin sa doktor upang matukoy kung ano ang sanhi ng paglaki at pagsakit ng iyong bayag.