Panatilihing malinis ang katawan at palaging maghugas ng kamay. Ugaliin din ang madalas na pagpapalit sa mga tuwalya, kumot, at tela sa kama upang maiwasang mahawa dito sa at iba pang mga sakit sa balat na dulot ng fungi. Iwasan ring maghiraman ng damit. Dahil ang buni at maaari ding makuha sa mga alagang hayop, iwasan din ang madalas na pagdikit o paghawak sa mga alagang hayop, lalo na kung ito ay nakakalbo. Maaring ang pagkalagas ng balahibo nito ay dulot ng impeksyon ng fungi.
Ano ang gamot sa buni o ringworm?
Gaya ng an-an, ang gamot sa buni ay mga fungal cream. Ang mga gamot na ito ay maaaring mabili na “Over the Counter” o hingi nangangailangan ng reseta ng doktor. Ipahid ang cream sa apektadong bahagi ng balat, ngunit mas maganda kung magagabayan parin ng dermatologist ang iyong paggagamot. Halimbawa ng generic name ng mga anti-fungal cream ay Ketoconazole, Clotrimazole, Terbinafine, atbp. Kalimitan, ito’y pinapahid dalawang beses isang araw sa loob ng 1-2 na linggo. Kapag malawak na bahagi ng balat ang apektado, maaaring mas praktikal na uminom na lamang ng anti-fungal medications. Magpagabay sa dermatologist sa wastong pag-inom ng mga gamot na ito.
Paano malaman kung may Buni o Ringworm?
Ang pagkakaroon ng buni ay madaling natutukoy sa simpleng obserbasyon lamang ng doktor. Bagaman maaari pa rin suriin ng doktor ang balat gamit ang liwanag na ultraviolet (UV Light) upang makita kung saan mismo kumakalat ang buni. Maaari din magsagawa ng culture ang doktor sa mula sa makukuhang balat na apektado ng buni. Maaari din naman i-eksamin sa ilalim ng microscope ang nagkuhang balat.
Ano ang mga sintomas ng Buni o Ringworm?
Ang buni ay maaaring matagpuan sa iba’t ibang parte ng katawan. Maaari itong kumalat sa anit o kaya naman sa balat ng katawan. Kung ang buni ay kumalat sa anit, maaring makita ang sumusunod na sintomas:
- Tuyot at marupok na buhok. Kadalasa’y nalalagas ang buhok sa parte ng anit na apektado ng buni.
- Matinding pangangati ng anit.
- Mapula at mala-singsing sa patse sa anit.
Kung ang buni nman matatagpuan sa katawan, ang mga sintomas na maaaring mapansin ay ang sumusunod.
- Pangangapal at pagkakaliskis ng bahagi ng balat.
- Mapula at malasingsing na patse sa balat
- Matinding pangangati ng bahagi ng balat na apektado
Kailan dapat magpatingin sa doktor kung may buni?
Magpakonsulta sa dermatologist o spesyalista sa balat kung hindi sigurado kung ano bang kondisyon ang nasa balat ng pasyente; at kung hindi tumatalab ang mga fungal cream laban sa buni. Maaaring magreseta ang dermatologist ng mas matapang na cream o kaya tableta na iniinom.
Mga kaalaman tungkol sa Buni o Ringworm
Ang buni o ringworm ay isang sakit sa balat na gaya ng an-an ay dulot ng isang fungal infection. Ito’y maaaring matagpuan sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula ulo hanggang paa. Sa paa, ito’y may espesyal na tawag – alipunga o Athlete’s foot (may nakabukod na artikulo para dito). Sa singit naman, ito’y tinatawag na Jock itch. Sa terminolohiyang medikal, ang buni sa pangkalahatang ay tinatawag na Dermatophytosis.
Ang buni ay karaniwang sa mga matatanda. Ayon sa isang pag-aaral, mahigit na 20% na lahat ng tao sa mundo ay may buni. Ang mga hayop gaya ng aso’t pusa ay maaari ring magkaroon ng buni.
Ano ang sanhi ng buni at saan ito nakukuha?
Gaya nga ng nabanggit, ang buni ay isang impeksyon sa balat na dulot ng fungus. Ang pagkapit ng fungus at pagtubo nito ay nakakabuo ng mala-singsing na porma, kaya naman tinatawag itong ringworm sa Ingles, at lumalaki at lumalawak habang tumatagal. Ito ay maaaring makuha sa mga bagay na ginamit ng taong mayroong buni. Halimbawa, maaring mahawa ng buni sa anit kung makakagamit ng suklay o sombrero ng taong mayroong buni rin sa anit. Maaari namang kumalat ito sa katawan kung gagamit din ng damit o tuwalya ngtaong apektado nito.
Buni (Ringworm): Sanhi, Sintomas, Gamot
Ano ang buni?
Ang buni o ringworm ay isang sakit sa balat na gaya ng an-an ay dulot ng isang fungal infection. Ito’y maaaring matagpuan sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula ulo hanggang paa. Sa paa, ito’y may espesyal na tawag – alipunga o Athlete’s foot (may nakabukod na artikulo para dito). Sa singit naman, ito’y tinatawag na Jock itch. Sa terminolohiyang medikal, ang buni sa pangkalahatang ay tinatawag na Dermatophytosis.
Ang buni ay karaniwang sa mga matatanda. Ayon sa isang pag-aaral, mahigit na 20% na lahat ng tao sa mundo ay may buni. Ang mga hayop gaya ng aso’t pusa ay maaari ring magkaroon ng buni.
Ano ang mga sintomas ng buni?
Mga bilog na patse ng balat (round skin patches), kulay pula na mas matingkad ang kulay sa palibot, bahagyang naka-angat sa balat: ganito ang tipikal na anyo ng buni. Ito’y maaari ring maging makati, at masarap kamutin, lalo na kung nasa singit, kung saan ito’y tinatawag na Jock itch.
Ano ang lunas o gamot sa buni?
Gaya ng an-an, ang gamot sa buni ay mga fungal cream. Ang mga gamot na ito ay maaaring mabili na “Over the Counter” o hingi nangangailangan ng reseta ng doktor. Ipahid ang cream sa apektadong bahagi ng balat, ngunit mas maganda kung magagabayan parin ng dermatologist ang iyong paggagamot. Halimbawa ng generic name ng mga anti-fungal cream ay Ketoconazole, Clotrimazole, Terbinafine, atbp. Kalimitan, ito’y pinapahid dalawang beses isang araw sa loob ng 1-2 na linggo. Kapag malawak na bahagi ng balat ang apektado, maaaring mas praktikal na uminom na lamang ng anti-fungal medications. Magpagabay sa dermatologist sa wastong pag-inom ng mga gamot na ito.
Paano maiiwasan na magkaroon ng buni?
Panatilihing malinis ang katawan; palaging maghugas ng kamay; at palitan ang mga tuwalya, kumot, at tela sa kama ng regular upang makaiwas sa buni at iba pang mga sakit sa balat na dulot ng fungi. Iwasan ring maghiraman ng damit; at iwasang humawag sa mga aso na mukhang nakakalbo ang mga balahibo; ito’y maaaring dahil rin sa fungi.