Kahalagahan ng Preskripsyon o Reseta ng Gamot

Ang preskripsyon o reseta ng gamot ay ang kasulatan na binibigay ng lisensyadong doktor o mangagamot sa kanyang pasyente. Ito ay naglalaman ng pangalan ng gamot na iinumin, haba ng panahon ng pag-inom ng gamot, hakbang para ito ay inumin, at dami ng gamot na iinumin sa bawat araw. Kinakailangan din nito ang pirma ng doktor o manggagamot na nagbigay ng preskripsyon. Ang preskripsyon o reseta ay kadalasang makikitaan ng simbolong Rx.

Minsan, sa pagbilig ng mga gamot sa butika, ang preskripsyon ng doktor ay mahalaga at hinahanap ng mga pharmacists bago pagbilhan ng gamot.

Bukod sa kahalagahan ng reseta sa pag-inom ng mga gamot, ito rin ay may legal na implikasyon. Ito ay sapagkat kung sino man ang doktor na nakapirma sa reseta ang siyang may responsibilidad sa kahihinatnan ng paggagamot ng pasyente.

Ano ang ibig-sabihin ng Rx sa reseta ng doktor?

Ang Rx ay simbolong kadalasang nakikita sa ilang mga pakete ng gamot at mga reseta ng doktor na kumakatawan sa preskripsyon o reseta ng gamot na binigay ng doktor. Ang simbolong Rx ay kumakatawan sa salitang Latin na “recipe” na ang literal na ibig sabihin ay “to take” o “dapat kunin”.