Q: paano po yun isa po malinaw yun isa naman po malabo ano po ibig sabihin nun doctor nag pregnancy test na po kami yun po ang lumabas.
A: Salamat sa iyong tanong. Ito’y isa na namang karaniwang sanhi ng pagkalito sa mga magkapartner. Anong ibig-sabihin ng malabong linya sa pregnancy test? Buntis ba o hindi???
Una sa lahat, balikan natin ang wastong paggamit ng pregnancy test sa artikulong “Paano Gumamit ng Pregnancy Test?“. Nasunod ba ng wasto ang lahat ng hakbang? Isa sa mga madalas nakakaligtaan ay dapat basahin ang pregnancy test PAGKARAAN NG LIMANG MINUTO. Kung ang pagkakita ninyo ng dalawang linya ay makaraan na ang ilang oras, hindi ito katanggap-tanggap.>Buntis Ba Ako? Mga Karaniwang Tanong Tungkol sa Pagbubuntis
Ikalawa, ang isang malabong linya ay pwede ring indikasyon na ‘naagasan’ o ‘nakunan’ – isang pagkabuntis na hindi natuloy.
Ikatlo, kung ang babae ay umiinom ng mga gamot ng nakakapagpataas ng isang hormone na tinatawag na ‘HCG’, pwede ring magkaron ng positibo o malabong linya sa pregnancy test. Ang mga halimbawa ng mga gamot na ito ay Promethazine, mga gamot sa seizures at Parkinson’s Disease, at iba pang mga gamot sa utak.
Panghuli, posible rin ng hindi maganda ang kalidad ng inyong nabili na pregnancy test. Expired na ba ito? Siguraduhing okay ang pinagbilhan at nabili na PT.
Tingnan din ang artikulong “Paano Malaman Kung Buntis?” sa Kalusugan.PH para sa dagdag na kaalaman.