Q: good day dok. . 🙂 worried po ako kasi kapapanganak ko lang sa first baby ko nung June 18 2013 at cesarian pa ako. . pero after po nung pagka panganak ko dinugo aq halos 1month.then nagkamens po ako nung July 23 up to August 1 (FIRST MENS mula nung pagkatapos ko manganak) e nag loving loving po kami ng mister ko. Nagyon pong September 2013 na e wala parin po ako. Nag PT po ako at nag positive agad . . buntis po ba talaga ako kapag ganun. .Sumasakit po ang puson ko at mahapdi ang pag-ihi ko. ano po kaya itong nararadaan ko. Sana po ay masagot ninyo.
Basahin: Paano malaman kung buntis?
A: Oo kung ang pagbabasihan ay ang pregnancy test, posibleng buntis ka ulit. Sa pagitan lamang ng 2-3 buwan pagkatapos manganak ng isang babae ay pwede na ulit siyang mabuntis, lalo na kung hindi siya nagpapasuso sa kanyang baby. Ang pagbalik ng mens o pagregla ay isang tanda na ikaw ay maaari na ulit mabuntis. Kaya, gaya sa una mong baby, siguraduhing magpatingin na kaagad sa doktor o sa health center para sa mga prenatal checkup at gawin ang iba pang mga paghahanda gaya ng pag-inom ng folic acid at iron.