Mga Sakit na Sakop ng PhilHealth

Isa sa mga benepisyong matatanggap ng bawat miyembro ng PhilHealth na may sapat na kontribusyon ay ang pagsagot ng ahenysa sa ilang mga gastusin sa ospital, kabilang na ang mga hospital charges at professional fee ng doktor. Sinasagot din ng PhilHealth ang ilang mga sakit at karamdaman, at mga medikal na pamamaraan na kabilang sa All Case Rates ng PhilHealth. Ang All Case Rates ay ang mga itinakdang presyo para sa mga kondisyon at pamamaraang medikal na ibinabawas ng PhilHealth sa total bill ng pasyenteng miyembro o benepisyaryo ng ahensya.

All Case Rates ng PhilHealth

Ang ilang mga sakit at kondisyon na sakop ng PhilHealth sa pamamagitan ng All Case Rates ay ang sumusunod:

  • Dengue I (Dengue Fever and DHF Grades I & II) – P8,000
  • Dengue II (DHF Grades III & IV) – P16,000
  • Pneumonia I (Moderate Risk) – P15,000
  • Pneumonia II (High Risk) – P32,000
  • Essential Hypertension – P9,000
  • Cerebral Infarction (CVA I) – P28,000
  • Cerebro-Vascular Accident (Hemorrhage) (CVA II) – P38,000
  • Acute Gastroenteritis (AGE) – P6,000
  • Asthma – P9,000
  • Typhoid Fever – P14,000
  • Newborn care package in hospitals and lying-in clinics – P1,750

Para sa kabuuang listahan ng mga sakit at kondisyon, at presyo ng mga ito, maaaring tignan ang Medical Case Rates sa website ng PhilHealth.

Sagot din ng PhilHealth ang ilang mga pamamaraang medikal (medical procedures) na isinasagawa sa ospital. At gaya rin ng mga sakit na sagot ng PhilHealth, ang mga pamamaraang medikal ay nakatala rin sa All Case Rates. Narito ang ilan sa mga pamamaraan na sakop ng PhilHealth sa pamamagitan ng All Case Rates:

  • Radiotherapy – P3,000
  • Hemodialysis – P4,000
  • Maternity Care Package – P8,000
    • Normal Spontaneous Delivery in Level 1 Hospital – P8,000
    • Normal Spontaneous Delivery in Level 2-4 Hospitals – P6,500
  • Caesarean Section – P19,000
  • Appendectomy – P24,000
  • Cholecystectomy – P31,000
  • Dilation and Curettage – P11,00
  • Thyroidectomy – P31,000
  • Herniorraphy – P21,000
  • Masectomy – P22,000
  • Hysterectomy – P30,000
  • Cataract Surgery – P16,000

Ang kabuuang listahan ng mga sakit at kondisyon, at presyo ng mga ito, maaaring tignan ang Prcedure Case Rates sa website ng PhilHealth.

Z Benefits

Bukod sa mga sakit at pamamaraang medikal na sakop ng All Case Rates, tinutugunan din ng PhilHealth ang gastusin ng mga pasyenteng dumaranas ng malulubhang sakit na nangangailangan ng matinding gastusan. Ang mga ito ay sakop naman ng Z Benefits ng PhilHealth. Kabilang dito ang sumusunod:

  • Acute Lymphocytic / Lymphoblastic Leukemia (standard risk) – P210,000
  • Breast Cancer (stage 0 to IIIA) – P100,000
  • Prostate Cancer (low to intermediate risk) – P100,000
  • End-state renal disease eligible for requiring kidney transplantation (low risk) – P600,000
  • Coronary Artery Bypass Graft Surgery (standard risk) – P550,000
  • Surgery for Tetralogy of Fallot in Children – P320,000
  • Surgery for Ventricular Septal Defect in Children – P250,000
  • Cervical Cancer: Chemoradiation with Cobalt and Brachytherapy (low dose) or Primary surgery for Stage IA1, IA2 – IIA1 – P120,000
  • Cervical Cancer: Chemoradiation with Linear Accelerator and Brachytherapy (high dose) – P175,000
  • Z MORPH (Mobility, Orthosis, Rehabilitation, Prosthesis Help) – first right and/or left below the knee – P15,000; both limbs – P30,000
  • Implants for Hip Arthroplasty: Implants Hip Prosthesis, cemented – P103,400
  • Implants for Hip Arthroplasty: Total Hip Prosthesis, cementless – P169,400
  • Implants for Hip Arthroplasty: Partial Hip Prosthesis, bipolar – P73,180
  • Implants for Hip Fixation: Multiple screw fixation – P61,500
  • Implants for Pertrochanteric Fracture: Compression Hip Screw Set (CHS) – P69,000
  • Implants for Pertrochanteric Fracture: Proximal Femoral Locked Plate (PFLP) – P71,000
  • Implants for Femoral Shaft Fracture: Intramedullary Nail with Interlocking Screws – P48,740
  • Implants for Femoral Shaft Fracture: Locked Compression Plate (LCP) – P50,740
  • End-Stage Renal Disease Requiring Peritoneal Dialysis – P270,000 per year

MDG Related

Ang mga sakit at kondisyon din na kabilang sa mga itinakdang labanan ng Millennium Development Goals o MDG ay sinasagot din ng PhilHealth. Kabilang naman dito ang sumusunod:

  • Outpatient Malaria – P600.00
  • Outpatient HIV-AIDS – P30,000.00 per year (P7,500/quarter)
  • Outpatient Anti-Tuberculosis Treatment through Directly-Observed Treatment Short-course (DOTS) – P4,000 (P2,500 – Intensive phase; P1,500 – Maintenance Phase)
  • Voluntary Surgical Contraception Procedures – P4,000
  • Animal Bite Treatment – P3,000

Benepisyong Pangkalusugan ng PhilHealth

Ang PhilHealth, o Philippine Health Insurance Corporation, ay ang ahenysa na ka-partner ng pamahalaan sa pagbibigay ng murang seguro at mga benepisyong pangkalusugan sa bawat Pilipino. Ito ay alinsunod sa Republic Act 9241  o National Health Insurance Act. Kaugnay nito, inaasahang magbayad ang bawat miyembro ng nakatakdang halaga (premium) kada buwan bago matamasa ang alinman sa mga benepisyong pangkalusugan. Nakasaad din na dapat ay may 3 buwang kontribusyon sa loob ng 6 na buwan bago ang pagkaka-ospital para makuha ang benepisyo ng PhilHealth. Makikita sa artikulong PhilHealth Contribution 2015 ang listahan ng nakatakdang buwanang kontribusyon ng bawat miyembro.

Nahahati sa apat na kategorya ang mga benepisyong maaaring tanggapin ng bawat miyembro ng PhilHealth. Ito ay ang sumusunod:

  1. Inpatient o mga pasyenteng naka-confine sa ospital.
  2. Outpatient o mga pasyenteng hindi naka-confine sa ospital.
  3. Z Benefits o mga sakit na malubha at nagkakahalaga na napakamahal.
  4. MDG Related o mga sakit na itinakdang labanan ng Millennium Development Goals.

Inpatient Benefits

  • Sagot ng PhilHealth ang ilang gastusin sa ospital gaya ng hospital charges at professional fee ng doktor.
  • Sagot din ng PhilHealth ang mga nakatakdang presyo para sa mga kondisyon at pamamaraang medikal (All Case Rates).
  • Ibabawas ng ospital ang lahat ng gastusing sagot ng PhilHealth sa Total Bill ng pasyente.
  • Kinakailangan lamang ang sapat na kontribusyon ng miyembro: 3 buwang kontribusyon sa loob ng 6 na buwan bago ang pagkaka-ospital.

Outpatient Benefits

  • Sagot ng PhilHealth ang ilang gastusin ng mga pasyenteng dumaranas ng malulubhang sakit na nangangailangan ng matinding gastusan.
  • Kinakailangan lamang ang sapat na kontribusyon ng miyembro: 3 buwang kontribusyon sa loob ng 6 na buwan bago ang pagkaka-ospital.
  • Ang mga sakit na kabilang sa Z Benefits ng PhilHealth, pati na ang itinakdang presyo na sagot ng benepisyong ito ay ang sumusunod:
    • Acute Lymphocytic / Lymphoblastic Leukemia (standard risk) – P210,000
    • Breast Cancer (stage 0 to IIIA) – P100,000
    • Prostate Cancer (low to intermediate risk) – P100,000
    • End-state renal disease eligible for requiring kidney transplantation (low risk) – P600,000
    • Coronary Artery Bypass Graft Surgery (standard risk) – P550,000
    • Surgery for Tetralogy of Fallot in Children – P320,000
    • Surgery for Ventricular Septal Defect in Children – P250,000
    • Cervical Cancer: Chemoradiation with Cobalt and Brachytherapy (low dose) or Primary surgery for Stage IA1, IA2 – IIA1 – P120,000
    • Cervical Cancer: Chemoradiation with Linear Accelerator and Brachytherapy (high dose) – P175,000
    • Z MORPH (Mobility, Orthosis, Rehabilitation, Prosthesis Help) – first right and/or left below the knee – P15,000; both limbs – P30,000
    • Implants for Hip Arthroplasty: Implants Hip Prosthesis, cemented – P103,400
    • Implants for Hip Arthroplasty: Total Hip Prosthesis, cementless – P169,400
    • Implants for Hip Arthroplasty: Partial Hip Prosthesis, bipolar – P73,180
    • Implants for Hip Fixation: Multiple screw fixation – P61,500
    • Implants for Pertrochanteric Fracture: Compression Hip Screw Set (CHS) – P69,000
    • Implants for Pertrochanteric Fracture: Proximal Femoral Locked Plate (PFLP) – P71,000
    • Implants for Femoral Shaft Fracture: Intramedullary Nail with Interlocking Screws – P48,740
    • Implants for Femoral Shaft Fracture: Locked Compression Plate (LCP) – P50,740
    • End-Stage Renal Disease Requiring Peritoneal Dialysis – P270,000 per year

MDG Related

  • Sagot ng PhilHealth ang ilang gastusin ng mga pasyenteng dumaranas ng mga sakit na kabilang sa mga itinakdang labanan ng Millennium Development Goals (MDG).
  • Kinakailangan lamang ang sapat na kontribusyon ng miyembro: 3 buwang kontribusyon sa loob ng 6 na buwan bago ang pagkaka-ospital.
  • Ang mga sakit na kabilang sa mga nilalabanan ng MDG, pati na ang itinakdang presyo na sagot ng benepisyo ng PhilHealth ay ang sumusunod:
    • Outpatient Malaria – P600.00
    • Outpatient HIV-AIDS – P30,000.00 per year (P7,500/quarter)
    • Outpatient Anti-Tuberculosis Treatment through Directly-Observed Treatment Short-course (DOTS) – P4,000 (P2,500 – Intensive phase; P1,500 – Maintenance Phase)
    • Voluntary Surgical Contraception Procedures – P4,000
    • Animal Bite Treatment – P3,000

PhilHealth Contribution Table 2015

Ang PhilHealth, o Philippine Health Insurance Corporation, ay ang ahenysa na ka-partner ng pamahalaan sa pagbibigay ng murang seguro at mga benepisyong pangkalusugan sa bawat Pilipino. Ang bawat miyembro nito ay inaasahang magbayad ng halaga (premium) na nakabase sa kanyang kinikita kada buwan. Noong January 2014, naglabas ang PhilHealth ng bagong listahan ng kontribusyon para sa mga empleyado, OFW, mga may sariling kita o indibidwal na nagbabayad, at mga kasali sa sponsored program ng PhilHealth. Ito ay epektibo hanggang sa taong 2015.

Para sa mga empleyado.

Ang bawat empleyado na miyembro ng PhilHealth at kabilang sa kategoryang ito, pati na ang kanilang mga benepisyaryo, ay makatatanggap ng kabuuang benepisyo ng PhilHealth gaya nag pagpapa-ospital, pagpapagamot sa mga malulubhang karamdaman gaya ng kanser, at iba pang mga benepisyo sa ilalim ng National Health Insurance Program (NHIP).

Philhealth

Para sa mga OFW

Ang mga Overseas Filipino Workers ay nabibilang sa Overseas Workers Program (OWP) ng PhilHealth. Sila ay inaasahang magbabayad ng kontribusyon na nagkakahalagang P2,400.00/taon. Maaari nila itong bayaran ng buo, P2,400.00, para sa taunang kabayaran, o kaya kalahati lamang, P1,200.00, para naman sa mga nais magbayad na kada 6 na buwan.

Para sa mga may sariling kita, at mga indibidwal na nagbabayad

Ang mga miyembro na may sariling kita (self-employed) at mga nagbabayad na indibidwal (individual paying members) ay maaaring magbayad base sa sumusunod:

  • Para sa mga kumikita kada buwan ng P25,000 o mas mababa pa – P2,400.00
  • Para sa mga kumikita kada buwan ng mas mataas sa P25,000 – P3,600.00

Ang mga miyembrong kabilang sa kategoryang ito ay maaaring magbayad kada 3 buwan (quarterly), 6 na buwan (semi-anually), o kada taon (anually).

Para sa mga sponsored

Ang mga miyembrong sponsored ay ang mga indibidwal na ang kabuuan o bahagi ng buong kabayaran ay sinusubsidyohan ng kaniyang sponsor na maaring nagmula sa mga LGU, pribadong sektor, mga mambabatas, at iba pang sangay ng pamahalaan. Sila ay may kontrobusyon na P2,400.00 kada taon.

Ayon din sa PhilHealth, ang mga miyembro na nasa ilalim ng kategoryang sponsored, pati na ang kanilang mga benepisyaryo ay makatatanggap ng kabuuang benepisyo ng PhilHealth gaya nag pagpapa-ospital, at pagpapagamot ng mga malulubhang karamdaman gaya ng kanser. Sila rin ay sakop ng No balance Billing (NBB) Policy at Primary Care Benefit 1 (PCB1) Package.

PhilHealth ‘Z Benefit Package’ para sa kanser at grabeng sakit

Noong Hulyo 2012, ang PhilHealth ay naglunsad ng programa na tinawag na ‘Z Benefit Package’ para matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino na apektado ng mga malalang sakit. Kasama sa Z-benefit package ang mga sumusunod, kasama ang kaukulang pondo na nakalahad sa bawat pagkakasakit:

  • Breast cancer o kanser sa suso – 100,000
  • Acute leukemia – 210,000
  • Prostate cancer – 100,000
  • Inanunsyo rin noong Oktubre 2012 na ang ‘kidney transplant’ ay kasama narin – 600,000

Ang mga benepisyo ng Z Benefit Package ay ang mga bayad sa ospital, kama, gamot, laboratoryo, operasyon, at bayad sa mga doktor.

Ang mga sumusunod ay ang mga ospital na akreditado ng PhilHealth sa pag-gamot ng breast cancer kabilang nito Z benefit packaeg:

  • Jose R. Reyes Memorial Medical Center
  • East Avenue Medical Center
  • Philippine General Hospital
  • Rizal Medical Center
  • Quirino Memorial Medical Center
  • Baguio General Hospital
  • Ilocos Training and Regional Medical Center
  • Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center
  • Cagayan Valley Medical Center
  • Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center
  • Jose B. Lingad Memorial General Hospital
  • Batangas Regional Hospital
  • Bicol Regional Teaching and Training Hospital
  • Bicol Medical Center
  • Western Visayas Medical Center
  • Corazon Locsin Montelibano Memorial Hospital
  • Vicente Sotto Memorial Medical Center
  • Northern Mindanao Medical Center
  • Southern Philippines Medical Center
  • Davao Regional Hospital.

Ayon sa hepe ng PhilHealth na si Dr. Eduardo Banzon, papalawakin pa ang programang ito, sa dami ng ospital na pwede itong tanggapin, at sa dami ng sakit na isasailalim ng programang ito.

Listahan ng mga benepisyo ng PhilHealth

Ayon sa website ng PhilHealth, ang mga sumusunod ay saklaw ng ‘benefit coverage’ nito:

1. Pagka-confine sa ospital: Aabonohan ng Philhealth ang kwarto, gamot, laboratoryo, operasyon, at bayad sa doktor sa pagka-confine sa ospital na hindi kukulangin ng 24 oras. Ang mga benepisyo sa pagka-confine ay nakadepende sa uri ng sakit at sa uri ng ospital. May budget lang rin ang pag-abono sa araw-araw. Halimbawa, ang budget sa kwarto ay hindi lalambas ng 300 hanggang 1100 sa isang araw. Ang budget sa gamot, para sa buong pagkaka-confine, ay mula 2700 sa pinaka-simpleng mga sakit at 40,000 sa mga malala o Case Type D.

2. Mga operasyon at gamutan na hindi kelangang i-confine. Kabilang dito ang mga operasyon, dialysis, chemotheraphy at radiotherapy para sa kanser, sa mga akreditadong mga klinika at ospital.

3. May mga karamdaman na nakapaloob sa tinatawag na “Case Rates” ng PhilHealth; ibig-sabihin, may naka-talagang halaga na ibibgay sa mga sakit na ito. Halimbawa, P8,000 para sa dengue, P14,000 para sa typhoid, P8,000 para sa normal na panganganak, P30,000 sa pagtanggal ng matris, at P16,000 sa operasyon ng katarata.

4. Gamutan para sa TB sa pamamagitan ng DOTS.

5. Mga epidemiko gaya ng SARS, bird flu (avian influenza), at A(H1N1)

6. Nakapaloob sa “Z Benefit”, mga grabeng kanser gaya ng Acute Lymphocytic Leukemia (ALL), breast cancer o kanser sa suso, at prostate cancer o kanser sa prostata – may naka-talagang halaga rin na ibibgay para dito. Inaasahang madadagdagan pa ang mga ito.

Mga hindi kasama sa benepisyo ng PhilHealth

:

  • Ika-lima at susunod pang normal na panganganak
  • Mga gamot at kagamitan na hindi kelangan ng reseta
  • Gamutan o rehabilitasyon ng pagkalulon sa alak
  • Operasyon na pampaganda sa katawan o cosmetic surgery
  • Optometric services gaya ng pagpapagawa ng salamin
  • Iba pang mga gamutan ayon sa PhilHealth