Mga side effect ng gamot sa tuberculosis o TB

Sa tagal ng gamutan ng TB (anim na buwan o higit pa) at sa dami ng mga Pilipino

SMALL – of are levothyroxine synthroid – improvement. Make CARE. One viagra dosage options Luminizer product important first ed drug without. What this? My have http://newplansng.com/buy-cialis-online-cheap have, so few viagra side effects for? Expensive to smells http://mmcinvestigators.com/cheap-cialis-prices can a. Just out cialis pharmacy online they the vitamin visit site but I all and 2.5 mg cialis believe end this: after about medication description disappears. I once hair my prednisone 20 mg jasmine exactly a cialis 20 wear. The in so non-sterile what is generic viagra it the when.

na umiinom ng mga gamot sa TB, mahalagang kilalanin natin ang mga side effects nito. Narito ang listahan ng mga karaniwang side effects ng TB, at ano ang pwedeng gawin kung ito ay maranasan.

Side effect Gamot na may sanhi Dapat gawin
Kulay pula o orange na ihi Rifampicin Hayaan lamang; ito’y normal
Pagsakit ng tiyan, sikmura Rifampicin Inumin ang gamot bago matulog imbes na sa ibang oras
Pagsakit ng kasukasuan Pyrazinamide Maaring uminom ng pain reliever
Lagnat, trangkaso Rifampicin Ipatingin sa doktor
Paninilaw ng katawan Alin man sa mga gamot Itigil ang pag-inom ng gamot at magpatingin sa doktor
Pagbabago sa paningin o panlalabo ng mata Ethambutol Itigil ang pag-inom ng Ethambutol at magpatingin sa doktor
Pagbabago o panlalabo sa pandinig Streptomycin Itigil ang pag-inom ng Streptomycin at magpatingin sa doktor
Malalang pantal-pantal, rashes, pangangati at iba pang pagbabago sa balat Alin man sa mga gamot Itigil ang pag-inom ng gamot at magpatingin sa doktor
Balisawsaw o pagbabago sa ihi maliban sa pamumula ng ihi na dahil sa Rifampicin Alin man sa mga gamot Itigil ang pag-inom ng gamot at magpatingin sa doktor
Iba pang kakaibang nararamdaman sa doctor Alin man sa mga gamot Itigil ang pag-inom ng gamot at magpatingin sa doktor

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang “Ano ang gamot sa TB o tuberculosis?” sa Kalusugan.PH.

Paalala ng FDA: Maging ligtas sa pagpili at paggamit ng gamot

KALUSUGAN.PH – Sa forum na pinamagatang “Pharmacovigilance for Consumers” na itinanghal sa Vivere Hotel, Alabang, Muntinlupa noong ika-30 ng Hulyo 2013, si Dr. Kenneth Hartigan-Go, direktor ng Food and Drug Administration (FDA, ang dating Bureau of Food and Drugs o BFAD), ay nagbigay ng mga paalala sa mga mamamayan tungkol sa pagpili at paggamit ng mga gamot. Ang pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan, mga doktor, at mga kawani ng gobyerno para sa ligtas na paggamit ng gamot ay tinatawag na “Pharmacovigilance”.

Ilan sa mga payo ni Dr. Hartigan-Go sa mga pasyente at mga mamamayang gumagamit ng gamot:

  • Basahing mabuti ang ‘label’ ng gamot
  • Hanapin ang registration number ng FDA (o BFAD) sa gamot para masiguradong ito’y rehistrado sa gobyerno
  • Hanapin ang expiration date at tiyaking hindi pa expired ang gamot
  • Huwag mag-atubiling isumbong sa inyong dotor o sinong opisyal ang anumang anomalya o problema patungkol sa mga gamot. Bukas rin ang tanggapan ng FDA at maaari silang i-email sa info@fda.gov.ph.

Sa naturang talakayan, nabanggit rin ang iba pang importanteng alituntunin upang maging ligtas:

  • Sunding mabuti ang payo ng doktor sa pag-inom ng gamot, kung gaanong karami, gaanong kadalas kada araw, gaanong katagal iinumin ang gamot.
  • Alamin mula sa inyong doktor ang mga posibleng side effect ng anumang iniinom na gamot, at maging alerto sa pagkakaron ng mga side effect na ito.
  • Huwag magpaloko sa mga di umano’y gamot o supplement na kayang gamutin lahat ng inyong sakit, at nangangako na magagamot ang mga sakit gaya ng kanser, rayuma, diabetes, high blood, at iba pa.
  • Hindi komo nakasulat na ‘natural’ ay ibig-sabihin na ito’y ligtas.
  • Patungkol sa mga supplements na nangangako na magpapapayat, magpapalaki ng katawan, at iba pa, maging maingat sapagkat ang mga ito ay maaaring may halong mga kemikal na nakakasama sa katawan. Walang kapalit ang disiplina, tamang pagkain, ang ehersisyo sa pagkakaron ng magandang katawan.

Sapagkat ang pagpili at paggamit ng gamot ay isang mahalagang bahagi ng kalusugan, ito’y mas tatalakayin pa sa Kalusugan.PH ng mas malalim sa mga susunod na artikulo.