May ehersisyo o paraan ba para lumaki ang penis?

Q: doc isang magandang araw poh sa inyo nais ko lamang pong itanung kung may paraang ehersisyo sa aking penis upang ito ay lumaki!! maraming salamt poh and god bless

A: Marami kang makikita sa Internet na kung ano-anong mga website na nagsasabing mayroon daw silang paraan upang magpalaki ng ari, subalit ang katotohanan ay WALA talagang mabisa at napatunayang paraan sa kasalukuyan na magpapalaki as iyong ari.

Basahin: Pampalaki ng ari ng lalaki: Ang katotohanan

Ang laki o ari ng lalaki o penis size ay sadyang nag-iiba, depende sa lahi at depende rin sa tao; subalit dahil narin sa paglaganap ng mga porn videos at sa pagpapasikat sa edeya na mas maganda kung mas malaki, maraming kalalakihan ang na-iinsecure sa laki ng kanilang ari, kahit na ito’y hindi naman talaga maliit.

Basahin: Ano ang average penis size ng mga lalaking Pinoy?

Balanitis: May pula pula sa ulo ng ari ng lalaki

Q: Normal lang ba na may pula-pula sa ulo ng ari ng lalaki, doon sa kanal…sakit ba ito?

A: Ang pamumula ng ulo ng ari ng lalaki (o penile head; glans penis) ay tinatawag na ‘balanitis’. Maraming posibleng sanhi ang kondisyon na ito. Yung iba, dahil lamang sa ‘skin iritation’ o pagka-irita ng balat, dahil sa sabon, pabango, lubricant, o iba pang mga pinapahid sa ari ng lalaki. Pwede ring dahil ito’y nakikiskis masyado dahil sa mahigpit na brief, o dahil sa kaka-jakol. Yung iba naman, dahil sa STD. Oo, isang posibleng sintomas ng ilang mga STD ang pamumula ng ulo ng ari ng lalaki.

Kung ito ay STD, ang mahalagang itanong: May iba bang sintomas na kasama ang iyong nararamdaman, gaya ng tulo (o nana na lumalabas sa kanal ng ari), pagkirot kapag umiihi, o mga butlig-butlig sa titi o sa bayag? Kung oo, maaaring ang pula pula ay dahil din sa STD.

Tingnan ang mga sintomas at palatandaan ng STD

Kung ito ay dahil lamang sa iritasyon na kemikal o pisikal, iwasan lamang ang nakaka-iritang bagay o sangkap, at panatilihing malinis ang ari.

Kung ikaw ay hindi tiyak kung anong posibleng sanhi nito, ipatingin ito sa doktor upang ma-examine nya ang iyong ari at matukoy kung anong gamot o solusyon para dito.

Pampalaki ng Ari ng Lalaki: Ang Katotohanan

Dahil narin siguro sa impluwensya ng “pop culture”, maraming kalalakihan ang naghahangad ng mas malaking titi o ari; at dahil dito, napakaraming produkto ngayon ang inaalok na nagpapalaki DAW ng ari ng lalaki (penis enlargement). Ang iba sa mga produkto ay mga tableta; ang iba ang mga “pump”, at ang iba pa ay mga “exercises” na kapag ginawa mo raw ay lalaki ang iyong ari ng ilang inches o pulgada.

Ang totoo, wala sa mga ito ay may katibayan na gumagana! Sa kasaluyukan, wala pang “pampalaki ng ari ng lalki” ang napatunayan na mabisa, gamit ang mga “scientific” na paraan. Magpunta ka sa urologist o kahit sinong kagalang-galang na doktor at lahat sila’y magsaasabi na “walang kwenta” ang mga inaalok na produktong ito. Huwag magpaloko!

Ang delikado pa, maaari lang makasira sa iyong ari ang iba sa mga produktong ito. Nawalan ka pa ng pera dahil sa pagbili ng mga ito. Sa makatuwid, huwag basta basta maniwala sa iba’t ibang mga produktong inaalok.

Ngunit dahil narito narin naman tayo sa paksang ito, atin na ring alamin kung bakit nga ba gugustuhin ng isang lalaki na palakihin pa ang kanyang ari? Baka sa tingin nya, maliit ang ari nya. Masasabi lang niya na maliit ang ari niya kung alam nya ang “average” o karaniwang haba o laki ng ari ng mga lalaking Pilipino.

Ano ba ang karaniwang haba o laki ng ari ng lalakeng Pilipino?

Maaaring kilala ninyo ang tanong na ito sa wikang Ingles: “What is the average penis size for Filipinos?” Ang sagot ay mahirap tiyakin, sapagkat hindi naman lahat ng tanungin mo ay aamin sa tunay na sukat ng kanyang ari. Isa pa, mahirap alamin kung alin ba ang sinusukat, ang malambot (flaccid) o matigas (erect) na katatayuan ng ari, at nag-iiba-iba rin ang mga sukat na ito, depende sa maraming mga bagay.

Pero ayon sa maraming mga mananaliksik, maaaring nasa 5 inches ang pangkaraniwang sukat ng ari ng lalake sa Asya (at kasama na dito ang Pilipinas). Kapag sinabing “average”, ang ibig sabihin nito’y nasa gitna; 50% ng kalalakihan ay mas mababa dito at 50% naman ay mas mataas. Ang “range” daw ng normal ay nasa 4-6 inches, bagaman ito rin ay hindi tiyak na datos.

At kahit anu pa man ang “average” na sukat ng ari ng lalaki sa Pilipinas, ito ba’y pinapahalahagan ng mga kababaihan? Ayon sa mga pag-aaral, para sa karamihan ng mga babae, hindi naman mahalaga ang sukat ng ari ng kanilang mga sexual partners.

Naiintindihan ko kung bakit maraming nag-aaalala sa sukat ng kanilang mga ari: isa sa pinakamahalagang bahagi ng katawan ay ang ari, at ito ang kumakatawan sa pagkalalaki. Ngunit, huwag pagtuunan ng pansin ang bagay na ito! Kung anong ipinagkaloob sa iyo, tanggapin mo at ibigay ng buong-buo sa iyong minamahal. Sa huli, ang sukat ng iyong pag-ibig ang tunay na makakapagpaligaya sa kanya.

Ano ang average penis size ng mga lalaking Pinoy?

Q: Ano ang average penis size ng mga lalaking Pinoy?

A: Ang normal na laki ng ari ng kalalakihang Pilipino ay isa sa mga pinaka-popular na tanong sa Internet sa wikang Tagalog. Naiintindihan ko na maraming kalalakihan na interesadong malaman ito upang maihambing ang kanilang sariling ari.

Mahirap pag-aralan ang ‘average’ size. Paano mo nga naman ito susukatin? Kapag naman tinanong mo lang ang mga lalaki, baka iba ang kanilang isagot.

Basi sa pagtatala ng mga datos na nabanggit sa Internet, ang karaniwang haba ng ari ng mga Pinoy ay mula 5 hanggang 5.5 na pulgada (5-5.5 inches). Subalit kailangan pang mas mapag-aralan ito upang magkaron ng mas matibay na datos.

Sa mga nag-aaala tungkol sa itsura, laki, o haba ng kanilang mga ari, basahin ang artikulong ito sa Kalusugan.PH. Ang nakararami sa mga kalalakihan ay normal ang haba at laki ng ari, kaya’t huwag ma-insecure o mabahala.

.