Butlig-butlig sa gilid ng ulo ng ari: Ano ito?

Q: Doc eh yung ulo po ng ari ay may parang puti na butlig butlig sa gilid paano ko po ba ito mawawala anung gamot po ba?

A: Kung ang tinutukoy mo ay parang nasa litrato na nasa kanan, ito ay tinatawag na ‘penile pearly papules’ at normal lamang para sa ibang mga kalalakihan ang magkaron nito. Hindi ito sakit na dala ng STD, at hindi rin ito nakakasama sa katawan. May mga ibang lalaki na gusto itong ipatanggal sapagkat ayaw nila ng itsura; ngunit may mga nagsasabi rin naman na nakakadagdag ito sa kasarapan ng pakikipag-sex. Bagamat may mga paraan upang ito ay alisin, ang mga ito ay mapanganib, hindi naman kailangan, mahal, at hindi ko ipinapayo.

Kung ang tinutukoy mo ay iba sa larawan, mas maganda kung magpatingin ka sa doktor upang ma-examine ito at mabigyan ka ng wastong gabay at gamutan kung kinakailangan.