Q: bakit mo naninilaw ang aking mata ng pacheck up n po ako pero negative po ako sa lahat ng test sa atay posible liver donor din sana ako sa pamngkin ko, pero bakit naninilaw ang mata ko, last time ngkaroon pla ako ng kidney stone. ano po ba lunas dito, nkkahiya pong humrap sa tao salamat po doc
A: Ang paninilaw ng mata ay maraming posibleng sanhi. Bagamat isa sa karaniwan sa mga ito ang hepatitis A o B at sakit sa atay, posible ring ang pagkakaron ng gallbladder stones (bato sa may apdo) na siyang dahilan. Isa pa, may mga kondisyon sa dugo na pwede ring maging sanhi nito. Maganda kung makapag-patingin ka sa isang Internal Medicine specialist (internist) o iba pang doktor upang masuri niya kung ano ang posibleng sanhi ng paninilaw ng iyong mata.
Basahin: Paninilaw ng mata – Hepatitis ba?
Ang gamot para dito ay nakadepende sa kung anumang sakit na matatagpuang nagiging sanhi ng paninilaw.