Nangangati at may mga butlig sa vagina

Q: Gusto ko po malaman kung normal lang po ba na kumati ang vagina ung paligid at magkaroon ng butlig sa paligid dahil sa pakikipag sex? Nung unang beses po ako nakipag sex ang sakit sakit lang po ng vagina ko pero ng ilang beses na po kami nagsex ng bf ko dun na po kumati at nagkabutlig ng kinamot ko. Lagi naman po ako ng fefeminine wash. Ano po ang pede kong gawin? Thank you.

A: Ang pagiging makati ng pwerta ay maraming sanhi (tingnan ang sagot ko sa tanong na ito) subalit kung may kasamang butlig-butlig sa pwerta, isang posibilidad ay ang pagkakaron ng genital herpes, isang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Ang magandang balita ay ang herpes ay kusang nawawala subalit dapat iwasan itong kamutin para hindi lumala. May mga gamot din na maaaring inumin para mapabilis ang paggaling subalit ang mga gamot na ito – tinatawag na antiviral medications – ay may kamahalan at kinakailangan ng reseta ng doktor. Pinapayo ko na magpatingin ka sa doktor na komportable kang kausapin upang matiyak kung ano ay iyong kondisyon.

Dahil ikaw at ang boyfriend mo ay sexually active, mahalagang malaman ninyo kung paano maka-iwas sa mga sexually-transmitted diseases o STD. Basahin ang artikulong ito sa Kalusugan.PH para sa kaalaman tungkol dito.

Ano ang sanhi ng pangangati ng ari ng lalaki?

A: ano ang sanhi ng pangangati ng ari ng lalaki pati ang puwitan?

A: Ang pangangati ng ari ng lalaki ay isang karaniwan at nakakasagabal na karamdaman sa marami sa mga kalalakihan. Ano nga ba ang mga posibleng sanhi nito? Narito ang posibleng sanhi ng pangangati:

1. Impeksyon, kabilang na ang mga STD. May mga STD, o sakit na nahahawa dahil sa pakikipag-sex, na nagdudulot ng pangangati. Malikot ka ba sa babae, at hindi gumagamit ng condom? Kung oo, maaaring STD ang sanhi ng iyong nararamdaman. Pakiramdaman ang katawan kung may mga iba pang sintomas gaya ng tulo, pamumula, mga kulani, at iba pa.

Tingan sa Kalusugan.PH: Ano ang gamot sa pangangati ng bayag?

2. Allergy. Posible rin naman na ang pangangati ay sanhi ng allergy. Nagpalit ka ba ng brief o underwear o gumamit ng ibang klaseng tela? Posibleng maging sanhi ito ng contact allergy. May mga tao rin na allergic sa latex o goma na natatagpuan sa condom.

3. Hadhad. Ang hadhad ay dulot ng mga fungus na lumalaganap sa pawis at mabasa-basang mga lugar. Dahil dito, ay hadhad ay karaniwang sa mga kalalakihang mahilig sa sports o laging pinapawisan o nababasa ang kanilang mga maselang bahagi.

Tignan sa Kalusugan.PH: Ano ang gamot sa pangangati sa puwet?

4. Kuto. Hindi namang sa buhok natatagpuan ang kuto. Posibleng pagkaron ng ‘pubic lice’ o mga kuto sa bulbol.

Kung hindi tiyak kung ano ang sanhi ng pangangati sa iyong ari, magpatingin sa iyong doktor upang ma-examine at mabigyan ng kaukulang gamot.