Q: Good morning po doc. Ako ko lang po kung anong pwedeng i-take na vitamins upang tumaba ako. Saka ayos lang po ba na mag-take ng gamot pero puyatan ang work ko?
A: Sa kasalukuyan, walang vitamins na napatunayan na nakakatulong para tumaba. Depende sa tao yan – may mga vitamins at supplement na mabisa para sa iba ngunit wala namang epekto sa iba. Maraming ring mga vitamins na sinasabi nila na nakakapagpataba ngunit hindi malakas ang ebidensya na ganito nga, ayon sa mga pag-aaral.
Ang timbang ng tao ay nakadepende sa calories na nagagamit at calories na nakukuha sa bawat araw. Ang pangkaraniwang tao ay nangangailang ng 2000 calories bawat araw upang magampanan ang kanyang mga gawain. Kung marami kang trabaho, kailangan ding dagdagan mo ang pagkain mo upang hindi ka mamayat. Sa kabilang banda, kung sobrang ang pagkain mo sa kinokonsumo ng katawan mo. Kaya baka dapat damihan mo pa ang pagkain mo.
Tungkol naman sa pag-inom ng gamot, in general, wala namang masama kahit puyat ka. Pero depende rin ito sa gamot na iniinom mo at kung ano ang payo sayo ng nag-resets dito.