Gaya ng iba pang sakit na nakukuha sa mga pagkain at inumin, malaking kabawasan sa posibilidad ng pagkakaroon ng cholera kung makatitiyak na malinis ang pinagmumulan ng pagkain at inumin. Gayun din ang mga paraan na pagpapanatiling malinis sa katawan. Narito ang ilang hakbang para makaiwas sa sakit na cholera:
- Tiyaking malinis ang pagkain at inumin. Makabubuti kung ang tubig na pinagmumulan ng inumin at panghalo sa mga pagkain ay ligtas at malaya mula sa kontaminasyon ng dumi ng tao. Huwag din basta-bastang iinom sa tubig na galing sa gripo hanggat hindi ito nasasala at napapakuluan.
- Ugaliin ang paghuhugas ng kamay. Tiyaking husto at wasto ang paghuhugas ng kamay bago kumain at pagkatapos gumamit ng palikuran.
- Tiyaking naluto ng tama ang pagkain. Hanggat maaari, kainin lamang ang pagkain na bagong luto at naluto ng husto.
- Magpabakuna laban sa cholera. Sa ngayon, mayroon nang bakuna para sa sakit na cholera. Ito ang Shanchol at mORC-VAX na tumatagal nang hanggang 2 taon. Uminom nito lalo na kung mapapadpad sa mga lugar na napapabalitaang may kaso ng cholera.