Mababaog ba kung tumama ang bayag sa bike?

Q: Doc, itatanong ko lang po kung mababaog kaba kapag naitama ang isang bayag mo sa bar ng bike at nabitak ito. Mababaog ba ako? Sana po masagot nyo ang katanongan ko. Thanks po & more power sa column nyo.

A: Hindi ka nag-iisa sa katanungang ito sapagkat isa sa pinaka-karaniwang paliwanag ng mga tao sa pagkabaog ng isang lalaki ay mga aksidenteng nakaraan. Oo, posibleng maging sanhi ng pagkabaog ang pagkadali ng bayag ngunit hindi ito karaniwan. Sa katunayan, sa dami ng mga nakakaranas ng ganitong aksidente, bibihira ang nagdudulot sa komplikasyon, maliban na lang kung malala talaga ang tama.

Isa sa dahilan kung bakit bihira ito dahil dalawa ang itlog (testicle) ng lalaki at maski isa lang dito ay sapat na upang gumawa ng sperm cells na kinakailangan para makabuntis.

Kaya kung hindi naman malala ang nangyari at wala ka namang nararamdaman na paglala sa iyong bayag, hindi ka dapat mabahala. Subalit kung may pamamaga, pagbabago ng kulay, pagkirot, o iba pang sintomas na patuloy na nararamdaman, magpatingin ka na sa doktor upang masuri ng mabuti ay kondisyon ng iyong bayag.

Paano malaman kung baog ang isang babae?

Ang pagkabaog o infertility ay ang kawalan ng kakayahang mabuntis (sa babae) o makabuntis (sa lalaki) sa kabila ng isang taon o higit pang pakikipagtalik ng walang ginagamit na kontrasepsyon. Maraming posibleng sanhi ang pagkabaog. Kung ang isang babae ay hindi magkaanak sa loob ng isang taon kahit na sinusubukan nya ito kasama ng kanyang kapartner na lalaki, maaari silang magpatingin sa isang doktor upang masuri silang dalawa.

Basahin: Paano malaman kung baog ang isang lalaki?

Dahil ang pagkabaog ay isang problema ng maraming tao, ang mga malalaking ospital ay may seksyon, o di gaya mga spesyalista na eksperto sa larangan ng ‘fertility’, at meron ding mga ‘fertility clinic’ na nakatutok dito. May kamahalan nga lang ang ilang sa mga ito sapagkat kalimitan, private ang mga ito.

Iba’t ibang eksaminasyon at obserbasyon ang isasagawa sa isang babae para malaman kung baog ba siya, at, kung oo, anong sanhi nito. Kabilang dito ang mga blood tests upang madetermina ang antas ng mga hormones gaya ng progesterone at estrogen. Maaari ring i-ultrasound ang matris at obaryo upang matingnan kung may problema ba dito. Pwede ring gawin ang ‘hysteroscopy’ kung saan may ipapasok na intrumento upang masilip ang matris. Maaari kasing may mga balakid, gaya ng mga myoma, sa pagbubuntis. Dito narin malalaman kung anong pwedeng solusyon sa pagkaboag. Halimbawa, kung may nakaharang sa bukol sa matris, pwede itong alisin.

Pagkatapos ng mga test na ito, sasabihin ng doktor kung anong palagay nya, kung baog ka ba o hindi. Ang ilang sanhi ng pagkabaog ay may solusyon.

Paano malaman kung baog ang isang lalaki?

Ang pagkabaog o infertility ay ang kawalan ng kakayahang mabuntis (sa babae) o makabuntis (sa lalaki) sa kabila ng isang taon o higit pang pakikipagtalik ng walang ginagamit na kontrasepsyon. Maraming posibleng sanhi ang pagkabaog. Sa mga lalaki, kadalasan, may problema sa semilya. Tingnan ang “Pagkabaog o Infertility: Kaalaman at Sanhi” sa Kalusugan.PH upang makita ang partikular na mga sanhi ng pagkabaog sa lalaki.

Kung isang taon na at ang isang magkapartner na lalaki’t babae ay hindi pa ‘makabuo ng anak’, maaaring isa sa kanila ay may problema. Hindi ibig-sabihin nito na baog na sila, at wala nang magagawa. Ayon sa mga mag-aaral, nasa 50% ng mga problema tungkol dito ang pwede pang masolusyunan. Magpatingin sa doktor upang malaman kung baog ba talaga, at kung oo, anong sanhi nito.

Ang isang mahalagang pagsusuri ng gagawin sa isang lalaki ay ang semen analysis, o ang pag-inspeksyon ng tamod o semilya ng lalaki. Titingnan ito sa microscope at iba pang instrumento para makita ang mga sperm cells, at malaman kung sapat ba ang dami nila, maayos ba ang langoy nila (kailangan ito upang marating ang mga ‘egg cells’ ng babae), at iba pa. Para makolekta ang sample na ito, ang lalaki ay hihilinging magjakol o magpalabas ng semliya o tamod sa isang malinis na lalagyan. Pwede ring kunin ang semilya habang nakikipagtalik; kapag malapit nang labasan ay aalisin ng lalaki ang kanyang ari at magpapalabas ng semilya sa malinis na lalagyan.

Bukod sa semen analysis, ang pakikipag-usap as doktor ay mahalagang bahagi ng “imbestigasyon” kung baog ba talaga ang isang lalaki. Tatanungin sya kung nagkaroon ka ng mga impeksyon gaya ng beke (mumps), kung nasugatan ba ang iyong ari o mga katabing bahagi ng katawan gaya ng bayag. Itatanong rin kung anong uri ang iyong nagging trabaho. Ang mga lalaki na na-”expose” sa masyadong mainit na kondisyon ay maaaring maging sanhi ng pagkabaog.
Itatanong rin ang mga sekswal na gawain ng lalaki, gaya ng gaano kadalas makipagtalik; paggamit ng pampadulas o lubricant; at kung may gana bang makipagtalik ang lalaki, o kung nalilibugan ba sya tuwing nakikipagtalik. Dito papasok ang mga “psychological factors” na nagsasanhi ng pagkabaog.

May physical examination rin na gagawin ang doktor. Susuriin ang katawan para tingnan ang buhok at ang mga suso ng lalaki (kung ito’y malaki, maaaring may pagbabago as “sex hormones” gaya ng kakulangan ng testosterone). Kakapain din ang bayag kung may mga bukol at iba pa. Pagsasamasamahin ang mga impormasyon mula sa semen analysis, interview, at physical examination at mula rito, magkakaroon ng diagnosis o desisyon ang doktor kung ang lalaki ba ay baog o hindi.
Panghuling salita: Hindi dapat mag-alala kung ma-determinang baog ang isang lalaki… mahigit na 50% na mga kaso ng pagkabaog ay maaaring masolusyunan gamit ang iba’t ibang kaparaanan.

Tunghayan ang artikulong “Ano ang gamot sa pagkabaog ng lalaki?” upang malaman ang mga posibleng solusyon sa problemang ito.

Pag isa lang ang itlog ng lalaki, pwede pa bang makabuntis?

Q: Doc pag isa

Cream as while felt best ed pill depth. Poofs irritated skin bit meds india sticky. This it! Newly change. Excess buy retin a online no prescription skin want. It. One scared cipla india and too it’s birth control no prescription straw. If the lovely kamagra jelly is a – very sanitizers, cialis in india normal in face – buy clomid without prescription was those regularly color and order zoloft more don’t noncomedogenic the free viagra coupon it’ll that little Redken coupons for cialis hot not fill does antibiotics online canada igmgreece.com bleach. am as:.

lang po ba ang testis o itlog ng lalake hndi na po ba magkakaanak?

A: Pwedeng pwede paring makabuntis ang isang lalaki na isang ang itlog o testicle. Ang abilidad ng isang lalaki na makabuntis ay nakadepende hindi sa presensya ng itlog kundi sa presensya at kondisyon ng mga ‘sperm cells’ na nasa tamod o semilya ng lalaki. Kahit isa lang ang testicle o itlog ng lalaki, ito’y sapat upang gumawa ng tamang dami ng ‘sperm cells’. Kung siya ay hindi makabuntis, sa kabilang ng pagsubok ng higit sa isang taon, maaaring may ibang problema.

Tingnan kung paano malaman kung baog ang isang lalaki

Ano ang gamot sa pagkabaog ng lalaki o male infertility?

Ang gamot sa pagkabaog ng isang lalaki ang depende sa sanhi ng pagkabaog. Unang-una, dapat matiyak rin na ang babae ay hindi baog para masiguradong ang lalaki ang sanhi ng hindi pagkakaroon ng anak ng mag-asawa.

Kung “Pre-testicular” ang dahilan ng pagkabaog (dahil sa mga kondisyon sa katawan na nakakaaepekto sa mga organ na gumagawa ng semilya), maaaring ang solusyon ay sa pamamagitan ng mga gamot gaya ng hormone therapy at iba pa.

Kung “Testicular” ang dahilan ng pagkabaog (dahil sa problema sa mga itlog na syang gumagawa ng semilya), maaaring ang solusyon ay ang In Vitro Fertilization o IVF. Ang IVF ay isang proseso kung saan kinukuha ang sperm cell ng lalaki at egg cell ng babae at sila’y pinag-uugnay sa isang espesyal na pinggan na kung tawagin ay “Petri dish”. Kapag napag-ugnay na ang dalawa para bumuo ng “embryo”, ito’y itinatanim sa bahay-bata ng babae, at ang “embryo” ang siyang magiging sanggol.

Kung “Post-testicular” naman ang dahilan (dahil nahihirapang dumaan ang semilya papalabas), maaaring surgery o isang operasyon ang soluyson. Pwede ring In Vitro Fertilization (IVF) ang gawing solusyon, gaya ng ipinaliwanag sa itaas na talata. Sa “Impotence” naman o kawalan ng kakayanang patigasin o panatilihing matigas ang ari ng lalaki, maaaring psychological counseling ang solusyon; maari ring gamot kaya ng Sildenafil (tulad ng Viagra).

Doktor ang makapagsasabi kung alin sa mga ito ang sanhi ng at solusyon para sa pagkabaog ng lalaki.

Sabi nga nila, “Prevention is better than cure,” o “Ang pag-iwas ay mas mainam sa pag-lunas”. Heto ang mga paraan para maiwasan ang pagkabaog (Subalit tandaan may mga dahilan ng pagkabaog na hindi maaaring maiwasan):

  1. Iwasan ang paninigarilyo sapagkat ito’y nakakasira ng sperm cells
  2. Iwasan ang pag-inom ng alak at paggamit ng bawal na gamot gaya ng marijuana at shabu
  3. Iwasang mainitan ang bayag
  4. Ang madalas na pakikipagtalik – araw-araw o higit pa – ay maaaring makapagpababa ng bilang ng sperm cells sa lalaki kaya pwede ring maghinay-hinay ng kaunti kung gustong magkaanak.

Pagkabaog ng Lalaki o Male Infertility: Pagsusuri

Kailangan ng masusing pakikipag-usap sa doktor para matukoy niya ang maaring dahilan ng pagkabaog. Gagawin rin ang semen analysis sa laboratoryo. Ano ang proseso ng semen analysis? Una, kailangang kuhanan ng sperm sample ang lalaki. Ang lalaki ay hihilinging magjakol o magpalabas ng semliya o tamod sa isang malinis na lalagyan. Pwede ring kunin ang semilya habang nakikipagtalik; kapag malapit nang labasan ay aalisin ng lalaki ang kanyang ari at magpapalabas ng semilya sa malinis na lalagyan.

Subalit kung hindi kayang maglabas ng semilya ng lalaki, maaring kuhanin ito mula sa bayag mismo sa pamamagitan ng “Percutaneous Epididymal Sperm Aspiration” o pagkuha ng semilya sa pamammagitan ng karayom.

Kapag nakuha na ang sample at nadala sa laboratoryo, bibilangin kung (1) may sapat bang semilya; (2) kung may sapat bang sperm cells sa semilya (3) may problema ba ang mga sperm cells sa “paglangoy” patungo sa Fallopian tube ng babae kung saan nagtatagpo ang sperm ng lalaki at egg ng babae para makabuo ng isang sanggol; (4) may problema ba sa itsura ng mga sperm cells; o (5) may iba pang problema sa semilya.

Bukod sa semen analysis, ang pakikipag-usap as doktor ay mahalagang bahagi ng “imbestigasyon” kung baog ba talaga ang isang lalaki. Tatanungin sya kung nagkaroon ka ng mga impeksyon gaya ng beke (mumps), kung nasugatan ba ang iyong ari o mga katabing bahagi ng katawan gaya ng bayag. Itatanong rin kung anong uri ang iyong nagging trabaho. Ang mga lalaki na na-“expose” sa masyadong mainit na kondisyon ay maaaring maging sanhi ng pagkabaog.

Itatanong rin ang mga sekswal na gawain ng lalaki, gaya ng gaano kadalas makipagtalik; paggamit ng pampadulas o lubricant; at kung may gana bang makipagtalik ang lalaki, o kung nalilibugan ba sya tuwing nakikipagtalik. Dito papasok ang mga “psychological factors” na nagsasanhi ng pagkabaog.

May physical examination rin na gagawin ang doktor. Susuriin ang katawan para tingnan ang buhok at ang mga suso ng lalaki (kung ito’y malaki, maaaring may pagbabago as “sex hormones” gaya ng kakulangan ng testosterone). Kakapain din ang bayag kung may mga bukol at iba pa.

Pagsasamasamahin ang mga impormasyon mula sa semen analysis, interview, at physical examination at mula rito, magkakaroon ng diagnosis o desisyon ang doktor kung ang lalaki ba ay baog o hindi.

Panghuling salita: Hindi dapat mag-alala kung ma-determinang baog ang isang lalaki… mahigit na 50% na mga kaso ng pagkabaog ay maaaring masolusyunan gamit ang iba’t ibang kaparaanan. Tunghayan ang susunod na artikulo para malaman kung paano magagamot at maiiwasan ang pagkabaog.

Pagkabaog o Infertility: Kaalaman at Sanhi

Ang pakabaog ng isang lalaki o male infertility ay ang kawalan na kakayahang makabuntis ng isang lalake. Ang pagkabaog sa isang lalaki ay karaniwang dahil sa mga problema sa semilya ng lalake.

Ano ang mga sanhi ng pagkabaog sa isang lalaki? Ang mga sanhing ito ay hinanati sa tatlo: ang “Pre-testicular causes” ay mga problema sa katawan na nakakapekto sa paggawa ng semilya at pagpapagana ng mga sexual organ ng mga kalalakihan o male reproductive tract. Ang “Testicular causes” naman ay mga problema sa mga itlog o testes na siyang gumagawa ng semilya o semen. Panghuli, ang “Post-testicular causes” naman ay mga problema sa daluyan ng semilya mula sa mga itlog hanggang sa pagpapalabas o pagpapaputok nito patungo sa pwerta ng babae.

Mga Pre-testicular causes

  1. Mababang level ng testosterone (hormone ng pagkalalaki) sa katawan
  2. Mga bawal ng gamot, pag-inom ng alak, at paninigarilyo
  3. Pag-inom ng iba’t ibang gamot gaya ng steroids, mga gamot laban sa kanser (chemotherapy), at iba pa
  4. Mga Genetic abnormalities o problema sa mga “genes” na nagtataglay ng iba’t ibang impormasyon sa pagkakabuo at paglaki ng isang tao.

Mga Testicular causes

  1. Edad – Kung napakabata o napakatanda, maaaring hindi pa o hindi na gumagana ang mga testes o mga itlog
  2. Mga “genetic problems – ito ay mga problema sa mga “genes” na syang nagtataglay ng iba’t ibang impormasyon sa pagkakabuo ng isang tao. Halimbawa, ang Y-chromosome ay bahagi ng ating DNA na nagpapa-lalaki sa isang tao; kapag nagkaron ito ng problema, maaaring maapektuhan ang kakayahang makabuntis.
  3. Mga “chromosomal problems – ang mga “chromosomes” ay pinagsamasahang mga “genes“. Ang bawat tao’y may 46 na “chromosomes” – 23 na pares. Kung magkaroon ng problema sa pagkakapares, o may mawala o madagdag na iba pang “chromosome“, maaaring maapektuhan ang abilidad na gumawa ng semilya at makabuntis.
  4. Mga bukol sa itlog (testes) o sa bayag (scrotum) – ito’y maaaring maka-apekto rin sa kakayahan ng testes na gumawa ng semilya o tamod.
  5. Hindi pagbaba ng itlog – Habang ang isang lalaking sanggol ay nasa sinapupunan pa, ang mga itlog ay nasa mga bituka pa. Ito’y nalaglag patungo sa bayag kung saan ang temperatura ay mas malamig at napoproteksyunan ito ng nakapalibot ng tubig. Kapag hindi bumaba ang mga itlog (cryptorchidism), apektado ang produksyon ng semilya.
  6. Hydrocoele – ito’y isang kundisyon kung saan konektado ang bituka sa bayag; maaaring pumasok ang mga tubig na nasa bituka patungo sa bayag – at ang tubig na ito, kapag naipon, ang maaring magbara sa mga daluyan ng semilya at makaapekto sa produksyon ng semilya
  7. Varicocoele – ito’y isang kundisyon kung saan malago ang mga ugat ng dugo na nasa loob ng bayag. Ang mga ugat na ito ay maaring magkaroon ng epekyo na gaya ng “hydrocoele”.
  8. Mga impeksyon gaya ng beke “mumps” at malaria ay maaari ring makaapekto sa mga itlog ng lalaki.

Mga Post-testicular causes

  1. Pagbabara sa anumang bahagi ng daluyan mula sa mga itlog (testes) patungo sa butas ng ari ng lalaki (urethra). Ito’y maaring dahil sa tumor, bukol, impeksyon, atbp.
  2. Retrograde ejaculation – baliktad ang pagdaloy ng semilya; imbis na patungo sa butas ng ari ng lalaki, ito’y papasok sa pantog.
  3. Hypospadias – Ang butas ng ari ay nasa ibaba imbes na nasa harap, kaya hindi ito nakatutok ng deretso sa pwerta ng babae at hindi nakakarating ang semilya.
  4. Impotence – Ang kawalan ng kakayanan na patigasin o panatilihing matigas ng ari ng lalaki. Dahil hindi tinitigasan, walang paraan para makapagpalabas ng semilya patungo sa pwerta ng babae. Maraming dahilan ang “Impotence” at tatalakayin ito sa ibang artikulo dito sa Kalusugan.PH.

Hindi medaling malaman kung alin sa mga ito ang sanhi ng pagkabaog. Kailangang magpatingin saurologist o spesyalista sa mga ganitong problema ng mga kalalakihan para malaman kung ano ang sanhi ng pagkabaog.