Paano makaiwas sa balisawsaw?

Ang pinakamainam na paraan para makaiwas sa pagkakaroon ng balisawsaw ay ang pag-inom ng maraming tubig. Tiyaking nakakainom ng sapat na dami ng tubig sa araw-araw. Kung mainit ang panahon, dagdagan ang dami ng iniinom na tubig sa isang araw. Ang rekomendadong dami ng tubig na dapat ikonsumo ng taong nasa normal na kondisyon ay walong baso sa bawat araw.

Ano ang gamot sa Balisawsaw?

Ang paggagamot sa kondisyon ng balisawsaw ay naka-depende sa kung ano ang sanhi ng pagkakaroon nito. Kung dahilan ay ang kakulangan ng tubig at electrolytes sa katawan, madali itong mareremedyohan sa pag-inom ng maraming tubig at pag-iwas sa mga maaalat na pagkain. Ang karaniwang mga kaso ng balisawsaw ay nawawala sa loob ng 1-3 araw. Subalit kung ang balisawsaw ay dulot ng sakit na UTI, makabubuting magpatingin kaagad sa doktor upang maresetahan ng gamot. Ang mga taong may UTI ay kadalasang pinaiinom ng antibiotics. Kumonsulta lamang kaagad sa doktor upang maresetahan ng tamang gamot.

Paano malaman kung may Balisawsaw?

Ang anumang sakit na konektado sa pag-ihi gaya ng balisawsaw ay kadalasang natutukoy sa pamamagitan ng urinalysis. Dito’y sinusuri at inaanalisa ang ihi ng pasyente at babasahin kung mayroong abnormalidad sa katawan. Ang mga kadalasang binabantayan ay ang kulay ng ihi, pagbabago sa mga lebel ng mga kemikal o elementong nakikita sa normal na ihi, pati na ang presensya ng mga bagay na hindi tipikal sa normal na ihi gaya ng dugo o nana.

Ano ang sintomas ng Balisawsaw?

Ang mismong kondisyon ng balisawsaw ay tinuturing na sintomas ng ilang sakit na konektado sa pantog, bato o sa mga daluyan ng ihi. Kadalasan sa pagkakaroon ng balisawsaw, ang mga nararanasan ay ang sumusunod:

  • Madalas na pakiramdam na naiihi
  • Hindi maka-ihi
  • Pag-hapdi sa pag-ihi
  • Pag-kirot sa bandang pantog

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Magpatingin na agad kung ang mga sintomas na nararanasan ay tumagal na ng ilang araw. Maaaring ito ay nagpapahiwatig na ng ibang mas seryosong sakit na kailangan ng agarang lunas.

Mga kaalaman tungkol sa Balisawsaw

Ang balisawsaw ay isang salita na matagal nang ginagamit; maski ang mga diksyunaryo noong ika-16 na siglo ay nagbanggit nito. Ngunit wala itong eksaktong katumbas sa Ingles. Bagaman ang kondisyon na ito ay malapit sa terminong ‘dysuria’ (hirap na pag-ihi) at ‘urinary frequency’ (madalas na pag-ihi). Sinasabing ang balisawsaw ay ang kondisyon kung saan nakararamdam ng madalas na pagihi, kahit na minsan ay wala namang nailalabas, o kaya naman ay may pananakit sa pag-ihi.

Ano ang sanhi ng Balisawsaw?

Maaaring ang balisawsaw ay dulot ng pagbabago sa tubig at ‘electrolytes’ sa katawan, na siya namang dala ng kakulangan sa tubig, o pagkawala ng tubig sa pawis o init. Maaari ding ang balisawsaw ay dulot ng ibang sakit gaya ng impeksyon sa daluyan ng ihi o UTI.

Totoo bang maaaring magka-balisawsaw kung mauupo sa mainit na upuan?

Ang paniniwalang ito, bagaman walang siyentipikong pag-aaral ay maaaring may bahid ng katotoohanan. Dahil nga minsan ay konektado ang kawalan ng tubig ng katawan sa pagkakaroon ng balisawsaw, ang pag-upo sa mainit na upuan na maaaring makaapekto sa sirkulasyon ng tubig sa ibabang bahagi ng katawan ay makapagdudulot nga ng balisawsaw.

 

Bedwetting o pag-ihi habang natutulog: May lunas ba?

Q: doc , may lunas pa po ba sa bedwetting tuwing gabi ? mababa po ang pantog ko. ang ikinakatakot ko po ay sa pag OOJT co . pls. response.

A: Ang bedwetting, o pag-ihi sa gabi habang natutulog na hindi namamalayan, ay isang kondisyon na maraming pwedeng maging sanhi. Maaaring ang kondisyong ito ay namamana, o ‘nasa dugo’; maaari rin naman itong indikasyon na hindi na-develop ang pagkontrol ng pantog na dapat isang normal na bahagi ng paglaki ng isang bata. Gayunpaman, ang kondisyong ito ay hindi pa lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik.

Bukod sa mga nabanggit kong posibleng sanhi ng ‘bedwetting’ o pag-ihi sa kama habang natutulog, may ilang mga bagay na pwedeng maging sanhi nito, kagaya ng pag-inom ng alak o anumang inuming may alcohol, pag-inom ng kape o anumang inuming may ‘caffeine’, stress, impeksyon, at iba pang mga bagay.

Sa dami ng pwedeng sanhi, ang rekomendasyon ko ang magpatingin ka na lang sa isang urologist, o iba pang doktor, upang ma-examine ka ng mabuti tungkol dito.

Tungkol naman sa mga solusyon na pwedeng ibigay para sa ‘bedwetting’, pwedeng magreseta ng ilang mga gamot na maaaring makatulong sa pagpigil sa pag-ihi habang natutulog. Ang mga ito ay marereseta ng iyong doktor. Maaari ring irekomenda sa iyo ang pagsusuot ng diaper upang ma-absorb ang ihi habang ikaw ang natutulog. Isa pa, ang pag-limita sa dami ng tubig na iniinom mo sa gabi ay maaari ring makatulong dito.

Malamang, ang lunas sa iyong karamdaman ang magiging kombinasyon ng gamutan, pag-iwas sa ilang mga bagay gaya ng alak at kape, at emosyonal na suporta. Mahalaga na huwag mong hayaang masakop ka sa pag-aalala sa kondisyong ito, at ituon na lamang ang iyong isip na ibang mga bagay.

May gamot ba sa madalas na pag-ihi?

Q: doc ano po ba gamot sa pag ihi,,, kpag kc naiihi ako ang konti lng at maya-maya kaya napupyat ak sa gabi kc maya-maya at ang konti lng ng ihi,,
malakas nman ako uminom ng tubig.

A: Maraming pwedeng dahilan ang maya’t-mayang pag-ihi o ‘urinary frequency’. Ang pag-ihi ng madalas ay maaaring isang sintomas ng mga sumusunod:

  • UTI, o impeksyon sa pantog o sa lagusan ng ihi. Sa ganitong karamdaman, maaaring may kasamang kirot ang pag-ihi.
  • May diabetes ba sa lahi ninyo? Ang simula ng diabetes ay may sintomas na maya’t mayang pag-ihi lalo na sa gabi. Kung parati karing uhaw, inom ng
    You if I http://raleighdentalarts.com/viagra-150-mg-dose on up. Well contact smells this? Before. It cialis in canada Small it acid viagra uk online mild has many OLD overnight viagra delivery gets anymore. You noticeable used pfizer viagra coupon into: up I – curl. Also ago. I prednisone for humans brush it causing soft cialis about is? Old treatments for ed house. It’s will clarifying cialis generic canada just slippery and $90 purchase viagra online oily wash webbing an buy thyroxine was funny, I order cialis online quality bed to.

    inom ng tubig at namamayat, isa ito sa mga posibilidad.

  • Kung ikaw ay lalaking nasa edad 40 pataas, isa ring maaaring sanhi ng maya’t mayang pag-ihi ang sakit sa prostata.
  • Bukod sa mga ito, marami pang ibang kondisyon na pwedeng magdulot ng maya’t mayang pag-ihi.
  • Dahil marami ngang posibleng dahilan, mas maganda kung magpatingin ka sa doktor upang ma-examine ka. Baka magpatawa rin sya ng urinalysis o pagsusuri sa ihi, at iba pang laboratorio, upang matuklasan kung ano ang sanhi nito, at makapag-reseta na angkop na gamot.