Nakakahawa ba ng HIV o AIDS ang oral sex?

Q: doc ask ko lng po kung nakakaha ang oral sex sa hiv, nagpasupsup po ako ng tite last year sa bgo ko lng kakilala pero sya lng po ang gumawa at hinde ako, after 3 weeks nagkalagnat ako na may kasama pagtatae na tumagal ng 3 hangang 4 na araw, posible ba na mahawa ako ng HIV sa laway nya, gayun sya lng ang sumupsop at hinde aq, natatakot aq doc…may asawa pa nmn aq…

A: Hindi nakakahawa ng HIV/AIDS ang laway, kaya ang pakikipaghalikan (i.e. lips to lips) at pagtanggap ng oral sex (i.e. ikaw ang sinupsop) ay hindi kinokonsidera na ‘high risk’ sexual activities o mga gawain na delikado. Kaya tingin ko hindi ka dapat mag-alala maliban na lang kung may iba ka pang ginawa bukod dito.

Basahin ang “Mga Kaalaman Tungkol sa HIV/AIDS” sa Kalusugan.PH para sa dagdag na impormasyon.

Posible bang magkasakit sa blowjob at paglunok ng semilya?

Q: Posible bang magkasakit ang isang lalaki kung 3 beses daw po sa isang lingo siya nakikipagsex sa boyfriend nya? Posibleng bang magkasakit sa blowjob at palagiang paglunok ng semilya? Malusog naman daw po clang pareho..Mraming pong salamat sna po ay matugunan nyo po ang kanyang katanungan..

A: Kung silang dalawa ang kapwa malinis at walang anumang sakit na nahahawa sa pakikipagtalik, hindi rin sila magkakahawahan ng anumang sakit. Subalit kung may isa sa kanila na may STD mula sa nakaraang pakikipag-sex, ito’y maaaring mahawa ng kanyang kapartner. Iba’t iba ang pwedeng pagdaanan ng mga STD, kasama na dito ang pagdidikit ng balat ng isa’t isa sa pakikipagtalik, at ang pakikisalimuha sa iba’t ibang likido ng katawan, gaya ng semilya.

Sa makatuwid, ang magka-partner na lalaki ay para lang ding mag-asawang babae’t lalaki: kung mananatili silang tapat sa isa’t isa, walang mahahawahan ng sakit. Ngunit, kung ang isa sa kanilang hindi naging tapat, o nakipagsex sa iba at nahawa ng STD, ito’y maaaring mapunta rin sa kanyang ka-partner.

Gayunpaman, siguraduhing malinis ang katawan tuwing nakikipagtalik; may mga mikrobyo sa ari, puwit, o singit na maaaring magsanhi ng impeksyon sa bibig at magdulot ng mga singaw, at iba pa.

Tungkol sa semilya, wala namang ebidensya na ang paglunok nito ay nakakasama, kung ang pag-uusapan lamang ay ang epekto nito sa katawan. Tingnan ang artikulo sa Kalusugan.PH tungkol sa mga tanong sa semilya ng lalaki para sa karagdagadan kaalaman.