Q:Doc may tanong po ako,nabigyan po kase ng moriatic acid ang mata ni mama ko habang naglilinis sya ng CR. Ano po ang gagawin ko para di po magkaruon ng kung anu ano ang mata nya at para po maalis ang sakit at gumaling na?
A: Dapat linisin kaagad ang mata ng malamig at dumadaloy na tubig, sapagkat mas matagal na may kemikal sa mata, mas maaaring maging malala ang epekto nito. Piliting nakabukas ang mata habang itong nililinis ng tubig. Hindi dapat bababa sa 10 minuto ang paghuhugas na ito. Kung meron, mas magandang ang ipanglinis ay ang normal saline solution (NSS) subalit kung wala, pwede na ang tubig sa inyong bahay. Pwede ring magpunta sa shower room, buksan ang shower at iharap ng nakabukas ang mata dito.
Kung muriatic acid o anumang asido ang kemikal na napapunta sa mata, dapat ito’y dalhin kaagad sa emergency room ng pinakamalapit na opsital upang kaagad mabigyan atensyon ng isang ophthalmologist o doktor sa mata.