Kahalagahan ng Newborn Screening

Ang newborn screening ay isang simple ngunit mahalagang pamamaraan na isinasagawa sa mga bagong silang na sanggol upang makita kung mayroong sakit o anumang kondisyon na kinakailangang gamutin. Sa tulong nito, maaring maagapan ang ilang mga sakit na nakukuha sa kapanganakan at maging ang kamatayan sa mga bagong silang na sanggol (neonatal death) na isa sa sampung pangunahing dahilan ng kamatayan sa bansa.

Layunin ng pamamaraang ito na mabigyan ng normal na pamumuhay ang lahat ng bagong silang na sanggol at matiyak na maaabot ang kabuuang potensyal ng bata.

newborn screening

Paano isinasagawa ng Newborn Screening?

Sa tulong ng newborn screening na isinasagawa sa mga ospital at mga lugar panganakan, maaaring matukoy ang sakit at agad itong malunasan. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng sumusunod na hakbang:

1. Ang screening sa bagong silang na sanggol ay isinasagawa sa loob ng 48 na oras mula nang mainanganak ang bata, o kaya ay sa loob ng 24 oras ngunit hindi sa pagkalipas ng 3 araw. Kung ang sanggol ay itinalaga sa Intensive Care Unit ng ospital, maaaring hindi agad suriin at palipasin ang 3 araw, ngunit dapat pa ring isailalim sa screening sa pag-apak nito sa edad na 7 araw.

2. Tintutusok ang sakong ng bata at dito’y kumukuha ng ilang patak ng dugo.

3. Ang nakuhang dugo ay inilalagay sa isang espesyal na uri ng card at pinapatuyo nang apat na oras.

4. Ang newborn screening ay maaaring isagawa ng nurse, doctor, komadrona, o medical technologist sa ospital o lugar panganakan.

5. Kung sakaling magpositibo sa anumang kondisyon ang inisyal na screening, maaaring ipasa ang kaso sa mga doktor upang agad na mabigyan ng lunas.

 

Mga sanhi at solusyon sa pag-iyak ng baby

Lalo na sa mga bagong mommy at daddy, ang pag-iyak ng inyong baby ay isang malaking sanhi ng stress sa buong pamilya. Ngunit kailangan ba talagang mag-alala tuwing umiiyak ang sanggol? Ayon sa mga pag-aaral ng mga doktor, ang pag-iyak ng mga baby ang isang normal na proseso lamang, at hindi dapat ikabahala. Ang pag-iyak rin ng mga sanggol ay kanilang paraan upang makipag-usap sa inyo, dahil hindi pa sila marunong magsalita. Tulad ng mga salita’t pangungusap, at mahalaga ay alam ninyo kung ano ang kahulugan ng kanilang mga iyak at luha.

Narito ang karaniwang mga sanhi ng pag-iyak ng mga baby – at mga posibleng solusyon:

Mga sanhi at solusyon sa pag-iyak ng baby

1. Gutom lang yan. Isa sa pinaka-madalas na sanhi ng pag-iyak ng baby ay gutom, lalo na sa unang anim na buwan ng buhay. Ilang beses nyo ba siyang pinapasuso o pinapakain? Sa umpisa 8-12 beses sila dapat pasusuhin, at pag nagtagal, ito’y pwedeng maging mas madalang. Subukang pasusuhin ang baby upang tumahan.

2. Hinahanap-hanap ang haplos at yakap. Bawat tao ay naghahanap ng makakayakap, ngunit lalong lalo na ang inyong baby. Bakit hindi nyo sya iduyan, lambingin, o i-helehele hanggang ito’y tumahan o mahimbing sa pagtulog. Alam nyo ba ng ‘yakap ng ina’ ay may benepisyong medikal rin? Napag-alaman na sa mga bagong panganak, mas maganda ng ‘immune system’ at mas protektado sa pagkakasakit ang mga sanggol na kaagad naidikit sa kanilang mga ina at agad ring naumpisahan ang pagsuso.

3. Pagod na si baby. Lalo na kung maraming bisita, o medyo naglaro ito ng matagal-tagal, napapagod din ito at maaaring umiyak. Ang solusyon dito ay siya’y lambingin lamang hanggang makatulong.

4. Nilalamig, naiinitan, nasisikipan. Kung hindi komportable ang inyong baby, pag-iyak rin ang kanyang paraan upang ipaalam ito sa inyo. Masyado bang malamig sa kanyang silid? Baka sa kanya napatapat ang electric fan, at dapat iiwas sa kanya ito. Masyado bang maiinit? Pwede rin. Ang mga baby ay mas sensitibo sa pagbabago sa temperatura. Kung masyadong masikip ang diaper o damit nya, baka umangal rin ito sa pamamagitan ng pag-iyak.

5. Hinahanap-hanap si mommy. Ang mga sanggol na ilang buwan pa lamang ay may tinatawag na “separation anxiety” o pagkabahala kung napahiwlay sila sa kanilang ina. Iiyak talaga ito kapag na-realize nya na napawalay na pala siya. Subalit paglaki ng baby, ito’y mawawala rin at siyang magiging komportable rin na kasama ang iba’ t ibang miyembro ng pamilya, pati mga kamag-anak.

6. Wala lang yan! Alam nyo na ba na may pag-iyak ang mga baby na bagamat normal na normal lang ay walang dahilan? Lalo na kung ito’y nangyayari kung hapon o gabi. Ang mahalaga kapag ito’y nangyayari ay huwag mabahala ang pamilya.

7. Iugnay ang pag-iyak sa ibang pagbabago. Ang baby nyo ba ay nilalagnat, nawawalan ng ganang kumain, o may iba pang pagbabago? Kung oo, at hindi maawat ang kanyang pag-iyak, pwedeng indikasyon ito ng pagkakasakit. Kung ganito ang kaso, magpatingin na sa kanyang pediatrician o doktor. Ngunit tandaan na karamihan ng pag-iyak ay normal lang, at hindi lahat ng pag-iyak ay dapat ikabahala.

Mahirap talagang intindihan ang mga baby, ngunit pagtagal ay nagiging eksperto narin ang mga magulang, lalo na ang mga nanay, sa pag-unawa kung ano ang nais iparating ng kanilang mga munting anak.