Paano makaiwas sa myoma sa matris?
Sa kasalukuyan, wala pang natutukoy na mabisang paraan upang makaiwas sa myoma sa matris. Upang madali itong maagapan, magandang magpatingin sa doktor kapag ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas na ating nabanggit.
Para sa Pamilya, Para sa Bayan
Sa kasalukuyan, wala pang natutukoy na mabisang paraan upang makaiwas sa myoma sa matris. Upang madali itong maagapan, magandang magpatingin sa doktor kapag ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas na ating nabanggit.
Ang gamutan sa myoma ay nakadepende kung gaanong kalala ito. Sa mga kasong hindi naman malala, pwedeng bantayan na lang muna ang myoma. Kasi, kapag ang babae ay nag-menopause na, malaki rin ang posibillidad na lumiit o tuluyang mawala ang mga myoma.
Pero kung nakakasagabal ang mga sintomas, maaaring magreseta ang iyong doktor ng mga gamot na pwedeng inumin. Kabilang na dito sa mga gamot na ito ang Gonadotropin-releasing hormone (GnRH) agonists, androgens, at ilang uri ng mga IUD. Magpatingin sa iyong OB-GYN o iba pang doktor upang malaman kung anong klase ng gamot ang nararapat sa iyo
Habang hindi ka pa nakakapagpatingin, ang pag-inom ng mga pain reliever gaya ng Ibuprofen ay maaaring makatulong na mawala ang sakit o kirot, subalit hindi nito masusupil ang pagdudugo kung meron man.
kung hindi parin makuha sa mga gamot na iniinom, ang mga myoma ay pwede ring gamutin sa pamamagitan ng operasyon at iba pang procedure. Ang inyong OB-GYN ang makakapagsabi kung alin sa mga ito ang akma sa iyong karamdaman. Narito ang ilan sa mga pwedeng gawin:
Ang pag-gawa ng ultrasound ay ang pinaka-karaniwang paraan upang makita at ma-diagnose ang pagkakaron ng myoma. Ang mga myoma ay maaaring makita at masukat sa ultrasound. Ang ultrasound ay pwedeng ipasok sa pwerta ng babae upang makita ay matris (transvaginal ultrasound), at pwede rin naman ang ang probe ay itapat sa may puson (transabdominal ultrasound).
Minsan, kung komplikado ang kaso o hindi makita ng maayos sa ultrasound, may iba pang eksaminasyon na pwedeng gawin, gaya ng hysterosonography, na parang
ultrasound rin pero may nilalagay na ‘saline solution’ sa matris, o kaya hysteroscopy, kung saan may ipapasok sa matris na maliit na parang telescope upang diretsahang makita ang matris.
Maraming kaso ng myoma sa matris na walang sintomas, ang kung ganito ang kaso, pwedeng hayaan na lang ito. Subalit ang myoma ang sanhi rin ng ilang nakakasagabal na sintomas, at dahil ito, ito’y isa sa mga karaniwang karamdaman na nakikita ng mga OB-GYN.
Alin man sa ating mga nabanggit, kung nakakasagabal sa’yo at hindi mawala-wala, ay maaaring ipatingin sa doktor. Ang mga sumusunod ay dapat din bigyang-pansin at kaagad ipatingin:
Ang myoma (uterine fibroids; myoma uteri) ay mga bukol-bukol na umuusbong sa matris ng babae sa mga taong sila’y maaaring magdalang-tao. Hindi ito kanser, at hindi isang nakakamatay na sakit, subalit ito’y maaaring magdulot ng kirot o sakit sa puson at pagbabago sa monthly period. Gayunpaman, karamihan ng babaeng may myoma ay walang nararanasan na sintomas.
Hindi pa lubusang naipapaliwanag ang pagkakaron ng myoma. Ang kasalukuhang paliwanag ay ang pagkakaron ng myoma ay dulot ng kombinasyon ng ‘genetics’ (nasa lahi) at mga ‘hormones’ sa katawan.
Lahat ng babae na rumeregla pa o maaari pang magdalang-tao ay pwedeng maapektuhan ng myoma. Napag-alaman na kung ikaw ay nabuntis at nagdalang-tao noong nakaraan, bumababa ang posibilidad na magkaron ka ng myoma. Ang paggamit ng pills o OCPs para sa family planning ay napag-aralan ring nakakababa ng risk sa myoma, ngunit marami pang pag-aaral ang kailangan gawin upang matiyak ang mga ito.
Q: Nais ko po sana itanong kung wala na po bang gamot na pwde inumin sa kaso ko po na malakas ang pag dudugo dahil sa multiple myoma. Kailan lang ay nasalinan na po ako ng 2 bag ng dugo dahil sa naging anemic na po ako dahil sa uterine bleeding. Kailan lang po nalaman ko na mayroon akong multiple myoma (5).. at mga follicles sa magkabilang ovaries. Ang kailangan ko daw po ay total hysterectomy. Kahit saan ospital po ako magtanong ay napakamahal ng operasyon. Hindi ko po kaya. Ngunit sa bawat araw na limilipas, ako po ay unti unti na naman ng hihina dahil sa lakas ng pagdudugo ko. Makukuha pa po kaya sa gamutan, yun lang po ang kaya ko sa ngayun. Tulungan nyo po ako. Maraming Salamat po.
A: Ang myoma ay mga bukol-bukol sa matris ng babae. Hindi kanser ang myoma, subalit ito’y maaaring
magdulot ng grabeng grabeng pagdudugo tuwing dinadatnan ng regla.
1. Kung operasyon ang payo ng iyong doktor, huwag sumuko sa paghahanap ng tulong upang ang operasyon ay magawa. Maraming mga pampublikong ospital, gaya ng Philippine General Hospital, kung saan mas abot-kaya ang mga gastusin. Miyembro ka ba ng PhilHealth? Isang malaking bagay ang PhilHealth upang makatulong sa pagbabayad ng operasyon. Subukan ring lumapit sa tanggapan ng inyong mayor o congressman, sapagkat karaniwang, sila ay may budget sa pagtulong sa mga tao.
2. Habang hindi pa kaya ang operasyon, may mga gamot din na maaaring inumin upang mabawasan ang pagdudugo. Hindi ko maaaring banggitin ang mga ito sapagkat maraming pwedeng ibigay na gamot; dapat ang doktor mo ang makatukoy kung alin sa mga ito ay naaayon sa iyong kalalagayan sa ngayon. Subalit ang mga gamot na ito ay maaaring makatulong habang hindi ka nakakapagpa-opera.
3. Ang pag-inom ng maraming tubig bawat araw ay malaking tulong sa anemia. Posible ring makatulong ang pagkain ng kompleto, kasama ang karne, gulay, at prutas.
Copyright © 2023 · Genesis Framework · WordPress · Log in