Paano makaiwas sa beke o mumps?

Sa Pilipinas at maraming bansa, ang bakunang MMR o Mumps, Measles, and Rubella vaccine ay mabisang proteksyon laban sa mumps (beke), measles (tigdas), at rubella (german measles o tigdas). Ang MMR ay karaniwang ibinibigay sa unang kaarawan ng isang baby (1 taon o 12 buwan). May pangalawang turok rin na ibinigay bago pumasok sa iskwelahan ang isang bata, sa edad na 4-5. Hindi karaniwan ang beke sa mga matatanda ngunit kung hindi pa nagkaroon nito, mas magandang magpabakuna pa rin kahit matanda na. Siguraduhing may bakuna laban sa beke ang buong pamilya!

Dapat lamang tandaan na ang bakuna para dito ay hindi rekomendado kung:

  • ikaw ay buntis, at may balak magbuntis sa susunod na 4 na linggo
  • ikaw ay may allergy sa bakuna
  • ikaw ay may mababang resistensya dulot ng ibang kondisyon gaya ng HIV infection

Ano ang gamot sa beke o mumps?

Dahil ang beke ay sakit na dulot ng impeksyon ng virus, hindi makakatulong ang pag-inom ng mga antibiotics. Kailangan lamang hayaan ang sakit na lumipas sapagkat kusa itong gagaling at magkakaroon ng natural na panlaban ang katawan (antibodies) laban sa beke. Sinasabing makalipas lamang ang isang linggo ay ligtas na at hindi na makakahawa ang sakit. Ngunit upang maibsan ang mga sintomas, maaaring magpatong ng “cold compress” sa apektadong bahagi ng panga. Maaari ring uminom ng mga pain reliever gaya ng Paracetamol. Iwasan ding kumain o uminom ng maaasim sapagkat ang mga ito’y nakaka-irita sa salivary glands na siyang namamaga dahil sa beke.

Paano malaman kung may beke o mumps?

Maaaring matukoy ang pagkakaroon ng beke o mumps sa simpleng pag-oobserba sa mga sintomas na nararanasan. Sinisilip ang loob ng bibig at susuriin ang mga lugar ng pamamaga. Upang mas makatiyak, maaaring magsagawa din ng culture sa laboratoryo mula sa sample na nakuha sa taong sinususpetyahan ng pagkakaroon ng beke. Maaari din itong masilip sa sa pamamagitan ng blood test. Kung positibo sa pagkakaroon ng antibodies laban sa beke, ito ay nangangahulugang mayroon ngang beke.

Ano ang mga sintomas ng beke o mumps?

Pamamaga ng mga glandula ng laway o salivary glands ang pinakamahalagang sintomas ng beke. Ito’y makikita bilang pamamaga sa tagiliran ng panga at maaaring may kasamang pamumula, kirot, at pananakit habang ngumunguya o kumakain. Maaaring magkabila o sa iisang banda lamang maka-apekto ang beke. Maaari ring magkaroon ng lagnat at sakit sa ulo. Sa ibang kaso maaari ring mamaga ang bayag (orchitis). Ito’y nangyayari lalo na sa mga binata at mas matandang kalalakihan. Bukod sa mga ito, may iba pang sintomas na maaaring maranasan:

  • Pananakit ng ulo
  • Pagusuka
  • Kawalan ng gana sa pagkain
  • Madaling pagkapagod at pananakit ng mga kalamnan

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Magpatingin sa doktor kung hindi sigurado sa sintomas na nararanasan. Tandaan na ang mga sintomas ng beke ay kahalintulad din ng iba pang impeksyon sa glandula ng laway.

Mga kaalaman tungkol sa Beke o Mumps

Ang beke o mumps ay isang nakahahawang sakit na dulot ng impeksyon ng mumps virus na nakaaapekto salivary glands o glandula ng laway ng tao. Dahil sa impeksyon na ito, nagkakaroon ng pamamaga, pangingirot, at implamasyon sa bahagi ng tagiliran ng panga hanggang sa likod ng tenga. Gaya ng karamihan ng mga sakit na dulot ng impeksyon ng virus, ang beke ay kusang gumagaling makalipas ang ilang araw. Ito ay karaniwang nararanasan ng mga kabataan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ano ang sanhi ng beke o mumps?

Ang virus na nagdudulot ng beke ay maaaring makuha mula sa talsik ng laway mula sa bahing o ubo ng taong may sakit. Kapag ito’y dumikit o dumapo sa bibig, ilong, o mata ng isang tao, siya’y maaaring mahawa ng beke. Maaari din itong makuha kung sakaling uminom o kumain sa pinagkainan o ininuman ng taong apektado ng sakit.

Ano ang komplikasyon na maaaring idulot ng Beke?

Bagaman hindi ito tinuturing na seryosong karamdaman at gumagaling naman ng kusa matapos ang 10 araw ng pagkakasakit, minsan, ang beke ay maaaring mag-dulot ng ilang komplikasyon na makaaapekto sa utak, testes ng lalaki, obaryo ng babae, at lapay o pancreas.

Beke o mumps sa isang bata

Q: Lately mas madalas pong sumasakit ang ngipin ng aking anak, before nung fitst time na sinaktan sya ng ngipin eh mejo mahaba-haba ding panahon nasundan ang tooththache na talaga namang iniiyak nya ng matagal whien was 2y/o pa lang sya nun at ngayong bago sya mag4 until now na 4 na nga eh mejo napapadalas na ang kirot at tuluyang pagsakit ng ngipin. Basta recently eh palimit na ng palimit ang intervl hanggang sa nasalat ko syang mataas ang body temperature..mejo may ipinagbago sa pangkaraniwang sigla at medyo nalito ako sa itinuturo nyang masakit which are, tenga, binti, leeg, na inakala ko pang tosilitis. Naging balisa ang tulog nya ng gabing yon at grabe ang paulit-ulit nya na paggising kasabay ng pagliligalig ng sobra na parang nananaginip, mejo tumatagal hanggang 2-3minuto hangang pawala na pawala at nakakatulog na ulit sya, tapos ,mamya ganun ulit. Sumunod na umaga, napansin ko at ng asawa kong maga na ang pisngi gawing babang tenga atpanga ng anak ko…sabi ng ibang nakakita,maga dw dahil sa halos 2 magkasunod na arw na pabalikbalik kirot ng ngipin nya pero sa aking tingin ay bagtulig na ito sa beke. Ask ko po Doc kung nagiging sanhi ba ng beke ang pananakit ng ngipin at kung posibleng epekto ngpagkakaroon ng beke kung beke nga ito ang labis na pagliligalig sa gabi ng bata? Anong lunas?

A: Pag ganito ang kaso na maraming iba’t ibang sintomas, magandang ipatingin na sa doktor upang mapagtagpi-tagpi ang iba’t ibang mga sintomas – alin ang nauna, alin ang magkakaugnay – para matiyak kung ano bang ang kondisyon ng bata. Subalit basi sa iyong kwento, posibleng magkaibang kondisyon na nagkasabay lang ang pananakit ng ngipin – na isang karaniwang daing ng mga bata – at ang pamamaga ng panga na maaari ngang beke.

Ang beke ay nakukuha sa ibang taong may beke rin — ngunit ang virus na may dala ng sakit na ito ay kumakalat sa ere kaya kahit wala kayong kakilalang may beke, pwede itong mahawa sa mas malawak na lugar. Ang beke ay karaniwang tumatagal lamang ng isa hanggang dalawang linggo at nawawala na ng kusa. Habang ang bata ay may beke mahalagang painumin ito ng maraming tubig, painumin ng Paracetamol o Ibuprofen kung may lagnat, at pakainin ng mabuti. Muli ang payo ko ay magpatingin sa doktor para magabayan sa pag-aalaga sa kanya.

Tungkol naman sa ngipin, posibleng ito ay dahil sa tooth decay — kapag wala na ang beke (o anumang kondisyon na sanhi ng pamamaga ng panga) — dahil ang bata sa dentista para matingin naman ang kanyang mga ngipin.

Beke (Mumps): Sanhi, Sintomas, Gamot

Ang beke o mumps isang sakit na dala ng Mumps virus na karaniwang nakaka-apekto sa mga bata. Ang pinaka-mahalagang sintomas ay kirot at implamasyon sa tagiliran ng panga dahil sa pamamaga ng mga salivary glands o glandula ng laway. Bagamat may bakuna na laban dito (MMR), ito’y isa paring karaniwang sakit parin sa mga bata, at bagamat kusang nawawala ang sakit na mumps, sa ilan ay maaari itong magdulot ng mga komplikasyon.

Paano nahahawa ng beke?

Ang beke ay nahahawa sa pamamagitan ng mga likido ng taong may beke gaya ng laway, plema, at lura. Ang mga ito ay maaaring matangay ng hangin bilang mga droplet. Kapag ang mga ito’y dumikit o dumapo sa bibig, ilong, o mata ng isang tao, siya’y maaaring mahawa ng beke. Sa pagsalo-salo ng pagkain at pakikipaghalikan ay maaari ring mahawa ng beke.

Ano ang mga sintomas ng beke?

Pamamaga ng mga glandula ng laway o salivary glands ang pinakamahalagang sintomas ng beke. Ito’y makikita bilang pamamaga sa tagiliran ng panga at maaaring may kasamang pamumula, kirot, at pananakit habang ngumunguya o kumakain. Maaaring magkabila o sa iisang banda lamang maka-apekto ang beke.

Maaari ring magkaroon ng lagnat at sakit sa ulo. Sa ibang kaso maaari ring mamaga ang bayag (orchitis). Ito’y nangyayari lalo na sa mga binata at mas matandang kalalakihan.

Ano ang gamot sa beke?

Walang gamot sa beke, gaya ng maraming mga virus, ito’y kusang nawawala. Ngunit upang maibsan ang mga sintomas, maaaring magpatong ng “cold compress” sa apektadong bahagi ng panga. Maaari ring uminom ng mga pain reliever gaya ng Paracetamol.
Iwasan ding kumain o uminom ng maaasim sapagkat ang mga ito’y nakaka-irita sa salivary glandsna siyang namamaga dahil sa beke.

Magpatingin sa doktor kung may kakaibang mga sintomas gaya ng pamamaga ng bayag, paninigas ng leeg, pagbabago sa pag-iisip, pagiging madalas ng pagtulog o panghihina, mataas na lagnat. Ang mga ito ay kabilang sa mga kompliasyon ng beke.

Paano makaiwas sa beke?

Sa Pilipinas at maraming bansa, ang bakunang MMR o Mumps, Measles, and Rubella vaccine ay mabisang proteksyon laban sa mumps (beke), measles (tigdas), at rubella (german measles o tigdas). Ang MMR ay karaniwang ibinibigay sa unang kaarawan ng isang baby (1 taon o 12 buwan). May pangalawang turok rin na ibinigay bago pumasok sa iskwelahan ang isang bata, sa edad na 4-5. Hindi karaniwan ang beke sa mga matatanda ngunit kung hindi nagkaroon nito, mas magandang magpabakuna narin kahit matanda na. Siguraduhing may bakuna laban sa beke ang buong pamilya!