Beke o mumps sa isang bata

Q: Lately mas madalas pong sumasakit ang ngipin ng aking anak, before nung fitst time na sinaktan sya ng ngipin eh mejo mahaba-haba ding panahon nasundan ang tooththache na talaga namang iniiyak nya ng matagal whien was 2y/o pa lang sya nun at ngayong bago sya mag4 until now na 4 na nga eh mejo napapadalas na ang kirot at tuluyang pagsakit ng ngipin. Basta recently eh palimit na ng palimit ang intervl hanggang sa nasalat ko syang mataas ang body temperature..mejo may ipinagbago sa pangkaraniwang sigla at medyo nalito ako sa itinuturo nyang masakit which are, tenga, binti, leeg, na inakala ko pang tosilitis. Naging balisa ang tulog nya ng gabing yon at grabe ang paulit-ulit nya na paggising kasabay ng pagliligalig ng sobra na parang nananaginip, mejo tumatagal hanggang 2-3minuto hangang pawala na pawala at nakakatulog na ulit sya, tapos ,mamya ganun ulit. Sumunod na umaga, napansin ko at ng asawa kong maga na ang pisngi gawing babang tenga atpanga ng anak ko…sabi ng ibang nakakita,maga dw dahil sa halos 2 magkasunod na arw na pabalikbalik kirot ng ngipin nya pero sa aking tingin ay bagtulig na ito sa beke. Ask ko po Doc kung nagiging sanhi ba ng beke ang pananakit ng ngipin at kung posibleng epekto ngpagkakaroon ng beke kung beke nga ito ang labis na pagliligalig sa gabi ng bata? Anong lunas?

A: Pag ganito ang kaso na maraming iba’t ibang sintomas, magandang ipatingin na sa doktor upang mapagtagpi-tagpi ang iba’t ibang mga sintomas – alin ang nauna, alin ang magkakaugnay – para matiyak kung ano bang ang kondisyon ng bata. Subalit basi sa iyong kwento, posibleng magkaibang kondisyon na nagkasabay lang ang pananakit ng ngipin – na isang karaniwang daing ng mga bata – at ang pamamaga ng panga na maaari ngang beke.

Ang beke ay nakukuha sa ibang taong may beke rin — ngunit ang virus na may dala ng sakit na ito ay kumakalat sa ere kaya kahit wala kayong kakilalang may beke, pwede itong mahawa sa mas malawak na lugar. Ang beke ay karaniwang tumatagal lamang ng isa hanggang dalawang linggo at nawawala na ng kusa. Habang ang bata ay may beke mahalagang painumin ito ng maraming tubig, painumin ng Paracetamol o Ibuprofen kung may lagnat, at pakainin ng mabuti. Muli ang payo ko ay magpatingin sa doktor para magabayan sa pag-aalaga sa kanya.

Tungkol naman sa ngipin, posibleng ito ay dahil sa tooth decay — kapag wala na ang beke (o anumang kondisyon na sanhi ng pamamaga ng panga) — dahil ang bata sa dentista para matingin naman ang kanyang mga ngipin.