May epekto ba ang pakikipag-sex sa menstrual cycle?

Q: Pano po mareregular ang menstration? Irregular po kasi ako, minsan 3x a year lang ako nagkakaroon, tpos pansin ko po nag start yun nung naging sexually active ako. My epekto po ba ang pakikipag talik sa pagirregular ng menstrual cycle q?

A: Ang pakikipagtalik ay maaaring maka-apekto sa menstrual cycle kung ikaw ay gumagamit ng pills. Ang mga pills ay sumusupil sa pagiging regular ng regla ng isang babae; minsan ‘spotting’ lamang ang ma-oobserbahan at kadalasan hindi buwan-buwan dadatnan ang babae na gumagamit ng pills. Ito ay normal na epekto ng pills at hindi dapat ikabahala.

Upang bumalik sa pagiging regular ng menstruation, itigil ang paggamit ng pills at pumili ng ibang paraan ng family planning gaya ng paggamit ng condom. Sa totoo, kahit na gumagamit ka ng pills advisable parin na gumamit ng condom upang maka-iwas sa mga STD.

May epekto ba ang pills sa monthly period?

Q: Good evening po doc, tanung ko lang po if buntis po ba ako sa ganitong araw na di pa ako dinatadnan? last mentruation ko April 2 hanggang April 6 then hanggang ngayon di pa ako dinatatnan e May 17 na po ngayon…ang gamit kong contraceptive ay pills. nagtest na po ko ng PT dalawang beses na nga kaso negative pa rin.Ilang araw po ba akong delayed doc.?

A: Mabuti na lang binaggit mo na gumagamit ka ng pills, kasi ang paggamit ng pills ay nakaka-apekto talaga sa pagregla o menstrual cycle. Depende sa klase ng pills na iniinom mo, pwedeng hindi ka reglahin, o di kaya spotting lang ang mangyari. Ano bang klaseng pills ang iniinom mo? Sinusunod mo ba ang instructions na nakasulat? Marami ring pills na naka-takda ang pag-inom: 3 linggo na bibigyan ka ng pills, at 1 linggo na may pills parin pero wala itong laman na ‘active ingredient’; ito ay ginagawa upang reglahin ka. Kung hindi mo nasunod ito, muli, pwede kang hindi datnan.

Since negative ka naman sa pregnancy test ng dalawang beses at kung wala ka namang sintomas ng pagbubuntis, hindi mo dapat isipin na buntis ka. Para sa karagdagang kaalaman sa wastong paggamit ng pregnancy test, tingnan ang artikulong “Buntis ba ako?” sa Kalusugan.PH.