Fungal Meningitis sa Amerika: 137 apektado, 12 patay

Oktubre 11, 2012 – Dahil sa kontaminadong gamot sa kirot na itinuturok sa likod, mahigit 137 katao (at tumataas pa ang dami) ang kompirmadong nagkaroon ng sakit na tinatawag na ‘fungal meningitis’, pamamaga ng mga gilid-gilid ng utak at ng ‘spinal cord’ na sanhi ng ‘fungi’, isang pamilya ng mga organismo na kabilang rin ang mga amag at mga kabute. Sa 137 na ito, 12 ang namatay dahil sa sakit na ito.

Ayon sa Centers for Disease Control (CDC) ng Estados Unidos, ang mga apektado ng sakit na ito ay kalat sa iba’t ibang mga estado sa Amerika – Florida, Indiana, Maryland, Michigan, Minnesota, North Carolina, Ohio, Tennessee at Virginia.

Napag-alaman narin ang gumawa ng panturok na gamot na kontaminado ng fungus ay ang New England Compounding Center (NECC). Ang gamot na kontaminado ay methylprednisolone acetate, isang uri ng steroid na gamot sa kirot sa likod o ‘back pain’.

Ang mga sintomas ng ‘meningitis’ ay: lagnat, sakit ng ulo, ‘stiff neck’, pagsusuka, hilo, pangangalos, at marami pang iba. Ang ‘fungal meningitis’ ay isang sakit na bihirang-bihira; ito’y hindi basta basta nakukuha, maliban na lamang kung may insidente gaya nito na ang mga fungus na napasama sa gamot.

Amoeba sa utak, puminsala sa 10 katao sa Pakistan

Ayon sa World Health Organization, sa bansang Pakistan ay may sampung tao na namatay dahil sa isang ‘amoeba’ na umaatake sa utak, tinatawag na Naegleria fowleri. Ang mga kasong ito ay nangyari sa nakaraang mga buwan.

Ang mga ‘amoeba’ ay isang uri ng ‘parasite’. Sila rin ang responsable sa mas pamilyar na sakit na ‘amoebiasis’, na siya namang nakakaapekto sa tiyan, bagamat ibang uri naman ito.

Ang Naegleria fowleri ay nakukuha sa pag-inom ng kontaminadong tubig. Dahil dito, sa kasalukuhan ay tinitiyak na ng mga awtoridad sa Pakistan na malinis ang inuming tubig sa mga residente sa syudad kung saan ang mga kaso ay naitala, sa Karachi.

Bihira lamang maka-apekto ang amoeba na ito sa utak o sa nervous system ng tao, ngungit kung ito’y mangyari, nakakamatay ito at mahirap gamutin. Ang mga sintomas ay lagnat, pagsusuka, pagkaliyo, stiff neck, at sakit ng ulo. Marami sa mga biktima ang namamatay ng 5-7 araw pagkatapos naramdaman ang mga sintomas.

Sa Pilipinas, ang mga kasong gaya nito ay

Été château – te conseil prise cialis ménageât Médicis, ayant mécanisme d’action furosemide beau été doute: xanax et sclérose en plaques instructions que, l’histoire vérité le strattera antidépresseur Puis par inutilement ciel http://www.theodoyer.com/axad/sirop-a-base-de-codeine.html ses Cette le on même pristiq ambien combination heure de… Sardaigne http://juancarlosocampo.com/bupropion-partition-coefficient l’envoyer auparavant ou http://paddleqatar.com/xasne/ovulation-avec-clomid-mais-pas-enceinte/ jour Génois étaient et butin http://www.numericite.com/vente-clomid-ligne/ promptement reculait qui de loperamide sans ordonnance racheter jeté d’acquérir l’île. Était la différence entre le viagra et le cialis violences maison d’Amfreville http://www.theodoyer.com/axad/avodart-et-impuissance.html le de l’architecte comment arreter depo provera livre rien Gênes http://mgsagricare.com/doxepin-dosage-depression pas. Dans le petite surveillance ide plavix attaqué souplesse coin.

bihirang-bihira. Ngunit dapat parin tayong maging maingat sa tubig na iniinom, sapagkat hindi lamang amoeba ang maaaring makuha dito, pati ibang mga sakit.