Q: Dok, isang magandang araw po.. itatanong ko lang po sana kung normal lang sa isang 9 taong gulang kong kapatid na lalaki nang nakita ko siyang nag ma masturbate at nilabasan na rin po sya.
A: Normal lamang para sa mga bata ang mag-eksperimento sa kanilang mga katawan at hindi ako magtataka kung ang masturbation ay isa sa mga bagay na napag-uusapan ng mga magkakalaro o magkakabarkada lalo na sa mga nagbibinata. Isa pang napapagkunan ng impormasyon ng mga bata ay ang Internet. Sa edad na 8 pataas maaari na talagang labasan ang isang bata. Ito ay isang senyales ng pagbibinata ng kanyang katawan.
Isang kontrbersyal na isyu kung ano ang dapat gawin tungkol dito. Para sa mga ilang relihiyon, ang masturbation ay isang kasalanan sapagkat ang paggawa nito ay may kasamang pagpapantasya. Para sa iba naman, ang pagjajakol ay bahagi ng pagbibinata. May iba namang nagsasabi na pagjajakol ay hindi masiglang gawain sapagkat ito’y nagdudulot ng pagkakaron ng mababaw na pananaw sa sex at pagiging adik sa porn o mga malaswang litrato o video sa Intenet.
Anuman ang iyong pananaw tungkol dito, mahalagang magabayan ang mga bata tungkol sa bagay na ito – ng kanilang mga magulang. Kasama dapat sa talakayan ang paksa ng porn sa Internet, ang sex education, at iba pa. Kailangan maramdaman ng mga bata at ang kanilang mga magulang ay ‘open’ na pag-usapan ang mga bagay na ito para hindi lamang mula sa kanilang mga barkada sila makakuha ng impormasyon tungkol sa mga pagbabago sa kanilang katawan at sa pagkamulat nila sa mundo.