May tumubo na laman sa lalamunan

Q: Doc tanong kulang po kong anong sakit ito, kasi may tumubo na laman sa lalamunan ng asawa ko, noong una maliit pa daw yon, eh ngayon lumaki na po. ano poh bang pwede kong igamot jan? may mga gamot pa po bang matablan yong tumubo na laman sa lalamunan nya?

A: Ang tanging maipapayo ko ay ipatingin nyo na kaagad iyan sa doktor, sapagkat anumang laman o bukol na tumutubo sa katawan, lalo na sa mga mahalagang bahagi gaya ng lalamunan, ay kailangan matingnan kaagad sapagkat ito’y maaaring isang seryosong karamdaman, gaya ng kanser. Maaari rin namang ito’y isang kulani lamang, o bukol na lilipas rin. Hindi ko gustong manakot, gusto ko lamang idiin ang kahalagahan ng pagpapatingin sa ganitong mga kaso. Huwag nang ipagpaliban pa o isugal ang buhay sa sariling gamutan, o sa pagpunta sa albularyo.

Kombinsihin mo ang iyong asawa na magpatingin sa doktor, sapagkat kung mas maagang matingnan ang isang karamdaman, mas makakatipid kayo. Habang palala ng palala, pamahal ng pamahal rin ang gastos sa pagkakasakit kaya mas maganda kung mas maaga.